Tsk! Ano bang sinasabi ng babaeng 'yon? Wala sa plano ko ang mag-asawa. At walang-wala rin sa plano ko ang mabaliw sa babae! Kaya kong gawin lahat huwag lang akong magkagusto sa kanila! Kapag may napanaginipan akong babae, ititigil ko ang kalokohan ko. Pero malabo mangyari yan dahil bihirang-bihira ako managinip at wala akong naaalala sa mga 'yon.

Nakaka-suka ang pag-ibig. Nakikita ko kung paano mabaliw ang mga tao sa palabas. Nakakadiri. Ang corny.

"You don't have to remove your shoes, River! That's fine!" ani Miranda nang hubarin ko ang aking sapatos. Binalingan konsiya at nginitian matapos pasimpleng lingunin ang pinaka-batang Manzanilla na ngayo'y abala sa pag-aaral.

"Really? No, I think I have to. They removed theirs though," baling ko kay Mira.

Tsk! Ni hindi manlang nagawang lumingon? Wow!

"Congrats nga pala, Rivs!" si Shawntell naman. Napangiti ako nang banggitin niya ang aking pangalan. Isang beses ko pang nilingon ang batang Manzanilla. Pagkabaling ko kay Shawny ay nakangisi na siya sa akin kaya mabilis akong ngumisi pabalik para mapagtakpan ang aking kahihiyan.

"Wow, you remember my name, finally! Thanks!" biro ko.

Isang lingon ko pa sa babae ay nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin. Gotcha!

"If you need anything just tell Kuya, ha?" ani Shawntell na masaya kong tinanguhan.

"Sure, sure. Thanks."

Nang tuluyan akong umakyat sa hagdan ay muli kong nilingon ang batang Manzanilla. Saglit ko pang hinintay na lingunin niya ako, hindi ako nabigo, she gave her precious glance at me kaya nginisian ko siya bago tuluyang umakyat sa ikalawang palapag. Nag-inom kami ng gabing iyon, napuno ng kwentuhan at tawanan ang buong rooftop. Buong gabing iyon ay wala naman na yata akong ginawa kun'di ang ngumiti sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang maamong mukha ng babae.

Itim at maalong buhok, kilay na makapal, mata na mapupungay pero matapang, ilong na maliit, labi... labi na pulang-pula. Tila mukhang durugo sa isang kagat— damn! She looked so mature!

"River, tara laro!" anyaya sa akin ni Samson nang mapadaan ako sa gym. Sabado ngayon pero walang practice. Kaagad akong napalunok at umiling nang makita ko na naroon si Luigi at Eren.

"Next time! May lakad ako, e. Tiningnan ko lang kung narito si Peeko," pagdadahilan ko at dali-daling umalis para makalayo sa bangungot.

Itim at kulot na buhok, mahihina at maliliit na tawa, masaya kong hinahabol si Maria habang tumatawa siya. Nasa loob kami ng isang library at tila ayaw niyang magpahuli.  Binilisan ko ang aking takbo, the moment I reached her, isang suntok ang natanggap ko.

"Putang ina!" malakas kong sigaw at bumangon mula sa pagkakahiga. Napalingon ako sa pintuan nang biglang bumukas iyon, si Mommy ang iniluwa.

"Anak, ayos ka lang?" nag-aalala niyang tanong at mabilis akong niyakap. I wrapped my arms around her waist the  moment she went near me. Habol-hininga akong pumikit sa kaniyang balikat.

It's Saturday and just eleven in the evening, hindi ko alam kung binabangunot ba ako o matatawag kong isang magandang panaginip iyon. Pang-ilang beses ko na rin itong nararansan, mababaliw na yata ako.

"Anak, if you feel anxious or stress enough, pwede kang magpa-consult sa doktor," malambing na sabi ni Mommy. Tahimik akong umiling at hinayaan siyang kalmahin ako.

Sunday came, alas sais pa lang ay nasa simbahan na ako, nakatingin sa cross na nasa unahan. Hindi ko alam kung bakit ako narito gayong bihira akong magsimba kahit palagi akong isinasam ni Astrid.

Pagod at puyat kong hinilamos ang aking mukha gamit ang aking palad.

Ano ba dapat kong isipin?! Bakit ko pa sinabi sa sarili ko ang panaginip na 'yan? Nangyayari na tuloy!

A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)Where stories live. Discover now