PRELUDE

7.2K 85 19
                                    

RATED 18+
Violence, Sex, Nudity, Language, Substance, Sexual Violence, Suicide

...

SIMPLE ang buhay. Iyon ang paglalarawan ko sa buhay noong bata pa ako. Masaya na ako sa simpleng ice cream. Iiyak sa tuwing madadapa. Natatakot kapag nawawala sa paningin ko sina mama at papa.

Pero ang lahat ng iyon ay nagbago.

Ang dating tingin ko sa buhay na simple ay napalitan ng salitang komplikado. Sa bawat pagdagdag ng isang numero sa edad ko ay unti unti akong namulat sa kung ano ang tunay na mundo.

Ang dating masaya sa simpleng ice cream ngayon ay napalitan ng, masaya ako kapag kasama ko ang magulang ko.

Ang dating iyak sa tuwing madadapa ngayon ay napalitan ng, umiiyak ako kapag nakikita kong magkaaway ang magulang ko.

Ang dating natatakot ngayon ay napalitan ng, natatakot ako kapag naririnig ko palitan ng sigaw ng magulang ko.

At ang simpleng pangarap kong makatapagtapos ng pag-aaral ay napalitan ng, matapos ang sakit ng nararamdman ko.

Ang dating box na puno ng mga laruan ngayon ay napalitan ng lubid, blade, kutsilyo, sleeping pills at lason.

Nagsimula akong kumanta ng Maliliit Na Gagamba, nagbabakasakaling maibsan nito ang sakit na nararamdmaan ko. Tuluyang natapos ang kanta at kahit papaano ay nabawasan nito ang sakit at bigat na nararamdaman ko.

Sa totoo lang ay hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Ang daming tanong sa isipan ko pero ni isa ay hindi ko masagot.

Nilaro ko ang kapatid kong si Stella na ngayon ay tatlong taon. Naririto kami ngayon sa loob ng kwarto ko habang rinig ko ang away ng aming magulang.

Ilang oras pa ang lumipas ay tuluyang tumahimik ang paligid. Nawala ang sigawan at ang tunog ng mga babasaging gamit na sa tingin ko ay binabato ng magulang namin sa kung saan.

Bumukas ang pintuan at bumungad sa akin si mama. Kinuha niya si Stella at binuhat. Matapos nun ay nakita ko ang pagpasok ni papa sa kwarto at sinenyasan ako na sumunod sa kanya

"Titigil ka na sa pag-aaral." simpleng sabi ni papa. Naiyak ako dahil naalala ko ang mga pangarap ko. Paano na ang pangarap ko kapag hindi ako nakapagaral?

Lumipas ang mga araw, buwan at taon ay nagpatuloy ako sa pagaaral sa pamamagitan ng sarili ko. Ako mismo ang tumustos sa sariling pangangailangn pagdating sa pag-aaral.

Pero may problema pa rin...

Ang problema ay patuloy pa rin na nagaaway ang magulang ko. Lumalaki na ang kapatid ko at naawa ako sa kanya dahil ito ang nakakalakihan niya. At hindi lang iyon ang problema dahil may pagkakataon ay nakakalimutan nila na pakaininn kami ni Stella.

Ang isang problema ay nadagdagan ng isa, nadagdagan pa ng isa at dumagdag pa ang isa hanggang sa nagpatong patong ito at sinira nito ang sistema ng aking utak.

Sa bawat araw na lumilipas ay pasan ko ang bigat ng problema na walang nakaakalam kundi ako at doon nagsimula ang lahat...

...ang naisin kong pahintuin ang sakit na nararamdman.

Tiningnan ko ang sariling repleksyon sa salamin at pilit na ngumiti sa kabila ng mga pagpatak ng aking luha. Matagal tagal na rin mula ng makita ngiti sa labi ko ngunit ang nakikita ko ngayon ay isa lamang peke.

Kinuha ko ang blade at sinimulang laslasin ang parteng palapulsuhan sa kamay ko. Sa pagtagas ng dugo sa palapulsuhan ay kasabay pagpatak muli ng mga luha ko.

At doon ay muli akong umawit ng Maliit Na Gagamba, na sa paniniwala ko ay maiibsan ang sakit at bigat na nararamdaman ko.

Pagod na ako pisikat at mental. Gusto ko ng magpahinga.

Maliliit na gagamba,
Umakyat sa sanga.
Dumating ang ulan
At tinaboy sila.
Sumikat ang araw,
Natuyo ang sanga.
Ang maliliit na gagamba ay palaging masaya!

Maliliit na gagamba,
Umakyat sa sanga.
Dumating ang ulan
At tinaboy sila.
Sumikat ang araw,
Natuyo ang sanga.
Ang maliliit na gagamba ay palaging masaya!

Nang matapos ang kanta ay narinig ko ang iyak ni Stella na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Agad kong tinakpan ng tela ang palapulsuhan ko at patakbong pumunta sa kapatid ko. Nang makita ako ay huminto siya sa pagiyak at nginitian ko siya.

Pero hindi doon nagtapos ang lahat dahil ang pasakit sa akin ay nagsisimula pa lang pala...








M I S T E R C A P T A I N

Kung mapapansin niyo po ay walang nabanggit na pangalan nung bida kaya abangan niyo sa mga susunod na chapter. Kayo po ang tumuklas ng pagkatao at pangalan ng bida.

Salamat sa pagbasa!

Professor

TWENTY FOUR HOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon