Chapter 3- It started :)

Start from the beginning
                                        

"Sa bahay nalang namin ikaw magprint!"

"Ahh, sigurado ka?"

"Oo."

"Uhm, sige" ^___^ Makakatipid naren ako dun ah kung sa kanila ako magpiprint. Hihi ^^

After kumaen eh dumiretso na kami sa bahay niya. Ang laki talaga nito, pinasok na muna nya yung kotse nya sa garahe.

"Ang laki ng bahay mo Kevin. Bakit ikaw lang ang nakatira?"

"Matagal na yang bahay na yan, dati kumpleto kaming pamilya namin jan, pero ngayon nasa ibang bansa sila."

Oonga pala, nasabi ni tita na nasa ibang bansa ang mommy ni Kevin.

"May kapatid kaba?" Tanong ko sa kanya.

"Ah oo, may isa akong kapatid."

"Babae o lalaki?"

"Babae, bakit?"

"Ah, wala naman" ^___^

"Alam mo nakakatuwa ngae, magkaugali kayo ng kapatid ko, minsan kasi ang childish din nun at ang babaw ng kaligayahan." Teka nga, nangaasar ba tong Kevin na to?

"Hoy! Kelan naman ako naging childish at mababaw ang kaligayahan?" -__^ Tinaasan ko sya ng kilay although alam ko na may mga pagkakataon talaga na childish ako.

"Kanina kaya! Para kang bata, tapos nagbelat lang ako tuwang tuwa kana."

"Tumigil ka nga!"

"Tara na nga umakyat na tayo!"

"Ha? San punta?" Mejj namamangha pa ako sa bahay nya. Isa itong malaking puti na bahay, yung mga border ng bahay eh kulay gold, ang ganda, halatang pang mayaman. Nagtataka lang ako bakit wala man lang kahit isang maid si Kevin.

"Sa taas!"

"Gusto mo bang umakyat sa baba?!"

"Hehe sorry. Sa kwarto ko." Nag blush ata ako na ewan. O______O

"k-K-warto mo?"

"Candace wala akong gagawing masama sayo, magpiprint tayo ng pictures dba? Andun yung pc ko." =____=

"Ah-eh. Haha! Tara na."

At umakyat na nga kami ng kwarto nya, binuksan nya yung computer at nag FB na ko, kinuha ko lang yung mga mahahalagang pictures na kelangan namen.

"You're a bit photogenic." Nagulat ako ng sinabe yun ni Kevin. Kasalukuyan na kasing nagpiprint yung mga pictures na kelangan ko.

"Ah, haha." Yun lang nasabi ko kasi nahihiya ako eh.

"Sabagay, no wonder, maganda ka naman kasi kaya kahit sa picture eh ang ganda mo rin."

"Hoy kevin tumigil ka na ah." Grabe onti nalang talaga sasabog na ko dito :'''>

Nang matapos na kaming magprint ay dumiretso na kami sa bahay.

"Tita. Kasama ko po si Kevin." Nasa may kusina si tita, siguro naghahanda to ng hapunan.

"Ah, napasadya ka kevin?"

"Ah tita tutulungan ko lang po si Candace sa paggawa ng regalo nya para kay Ambi" ^__^

"Ah ganun ba? Kumaen na muna kayo."

"Ay hindi na po tita, nakakaen na kami ni Candace."

"Osige po akyat na kame." Sabe ko na para makapag umpisa na kame.

Kinuha ko na sa drawer ko yung isang parang maliit na scrapbook. Walang laman yun. Regalo lang kasi yun nung kaklase ko nung Christmas Party. Tinago ko nalang kasi di ko naman gagamitin =__= Kumuha narin ako ng mga scrapbook materials, akalain mong yung kaklase ko na nagregalo saken ng scrapbook eh niregaluhan din ako ng scrapbook materials nung graduation namen =__=

"Parang prepared na prepared ka ah?" Sinabe nya habang nakatingin sya sa mga nilalabas kong gamit.

"Ah regalo lang to saken." ^__^

Napansin ko na naglilibot sya ng tingin.

"Ang ganda ng kwarto mo ang simple pero ang ayos." Ayoko kasi ng magulong kwarto, tinuruan naman ako ni mama na maging organized sa mga gamit.

"Ah naggigitara ka pala?" Bigla nyang sinabe nung nakita nya yung gitara ko sa may sulok.

"Ah nagaaral ako noon maggitara, pero huminto din ako."

"Bakit naman? Gusto mo turuan kita? Marunong ako maggitara" ^___^

"Asus ano kaba tulungan mo nalang ako dito oh."

"Ay onga pala. Ocge" ^__^

At nagumpisa na nga kami sa paggawa ng scrapbook.Natatawa sya paminsanminsan sa mga pictures namin ni Ambi na puro wacky. Baliw talaga kasi kaming dalawa lalo na kapag nagsama. Bago namin idikit yung mga pictures nagtanong sya saken.

"Pano ba talaga kayo nagkakilala ni Ambi?"

soon..

[A/N: Ngayon lang ulet nag UD! Haha busy sa school, nag cosplay kame kanina sa school! waaah! ang saya lang, okay end of sharing XD]

Stringed Together [ON-HOLD]Where stories live. Discover now