Chapter 3- It started :)

Comenzar desde el principio
                                        

o___O

O____o

O__________________O

"7pm na?! Eh bakit parang tanghali palang kanina ah?! Ibig sabihin, ganun ka tagal tayo nagkwentuhan?"

"Uhm, oo? Hehe, sorry. May gagawin ka pa ba?"

"Oo! Di paren ako nakakabili ng regalo kay Ambi! Bukas na ang alis namin!"

"Ah okay easy kalang, tara kumaen muna tayo."

Dinala ako ni Kevin sa isang mamahaling restaurant. Ngayon lang ako makakakain dito, mamahalin ngae.

"Teka Kevin, wala akong pera eh."

"Don't worry, treat ko." ^_^

Ang yaman talaga ng lalaking to!!

"Ano bang hilig ni Ambi?"

"Uhm, kahit ano naman ata eh? Pero ang gusto ko kasi yung tipong maaalala nya na ako yung nagbigay ng bagay na yun."

"Alam mo, mas maigi na mageffort ka sa regalo mo kesa sa bumibili ka ng materyal na bagay, mas memorable kasi yung mga bagay na alam nyang pinaghirapan mo kesa sa mga bagay na binili mo lang."

"Eh teka, ano namang magagawa ng effort ko eh tignan mo oh, alas siete pasado na, tapos aalis na kame bukas" =___=

Di nagsalita si Kevin. Tila nagiisip din ata sya.

Isip. Isip. Isip. Isip. Isip.

*TING!!*

"Alam ko na!" Napalakas ata yung boses ko nung nasabi ko yun kasi nagtinginan yung ibang tao sa kabilang table.

"Ez ka lang, oh ano na naisip mo?"

"Gawa kaya ako ng scrapbook? Yung tipong kung pano kami nagkakilala, tsaka yung mga bonding moments namin, marami naman kaming pictures sa FB eh." ^______^

"Good idea!" Minsan habang nageenglish tong si Kevin eh lalo akong naghihinala na bakla to eh.

"Kaso may problema pa?"

"Ano yun? o___O

"Anong oras na! You do really think that I can finish that scrapbook for a few hours?! Like duh! 9 years na kaming magkasama ni Ambi!"

"Sus! No problem! Gusto mong tulungan kita?" Nagulat ako sa tanong nya.

"A-ako? Tutulungan mo? Eh pano?"

"Edi gagawin natin sa bahay nyo!"

"Sa bahay namen?! Di pwede! Di ka pwede dun!"

"Kahit nakapunta na ko dun?" :P Ano ba yan nambelat nanaman sya, feeling ko magba blush ako, ang cute nya :''3

"Eh bawal ka naman mag stay ng matagal!"

"Sus! Malakas ako kay tita ally no!"

Maka tita, close talaga? Ay sabagay, friend nga pala ni tita ang mommy nya.

"Tutulungan mo talaga ako?"

Dumating na rin yung pagkain namin na inorder nya. Sya ang umorder ng para sa akin since wala naman akong alam sa mga pagkain dun sa restaurant na yun.

"Oyo nge." Minsan wala rin palang manners ang mayayaman? Haha. Nagsasalita habang kumakaen. Haha ^___^

"Uhm, sige samahan mo ako magpaprint ng pictures ha?"

"Sa bahay ke nyalang magprinzh"

"Sa bahay nalang ako magprint? Walang printer sa bahay eh."

Nilulon nya na yung kinakain nya tsaka sya nagsalita.

Stringed Together [ON-HOLD]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora