Kabanata 6 - House Of Hope

Start from the beginning
                                    

"Tinawag ka niyang babe. OMG sis, kayo na nga ba?"

Hindi man niya nakikita ang kapatid ay nakikinita niyang parang sinsilihan ang puwet nito sa kilig. "Shut up, Miellien! Walang kami at hindi iyan manyayari." Tinapos na rin niya agad ang tawag rito at baka kung saan lang mauwi ang pag- uusap nilang magkapatid. Napaka daldal pa naman ni Millien sa kaniya.

Ipinikit niya ang mga mata. Hindi naman siya matutulog or kahit man lang iidlip gusto lang niyang marelax.

Nilingon ni Aidem ang nakapikit na dalaga. Hindi nakaligtas sa matalas niyang pandinig ang sinabi nito. We will see, Angel. Aniya sa kaniyang sarili. Alam na alam niya ang mga activity ni Angel sa pang-araw-araw na buhay nito, maliban sa pagiging certified secretary nito kay Dylan. Ang House Of Hope ay isang Bahay Ampunan na matatagpuan sa Quezon, City. Twise a month ang dalaga kung pumasyal dito. Monthly rin ito kung magdonate sa ampunan na iyon.

Alam rin niyang may plinaplano itong isang batang babae na ampunin. Halos lahat ng may kinalaman kay Angel sa buhay nito ay alam na niya. Alam na rin niya na minsan na itong muntikan maging isang ina nakunan lang ito. Kahit si Dylan na malapit dito ay walang alam sa nakaraan na ito ni Angel.

Ang lahat ng nalalaman niya sa dalaga ay hindi alam ni Angel. Halos wala na nga maililihim pa ito sa kaniya dahil matagal na niya iyon napaimbistigahan. Mas marami pa nga siyang alam kaysa sa nalalaman ni Dylan dito na mas malapit ang dalaga.

Ang lahat ng iyon ay hindi siya nangiming gastusan na magbayad ng magaling na imbestigador para lang malaman ang lahat ng tungkol ng nakaraan nito. Nagawa niya iyon dahil na rin sa lihim na pagmamahal dito. Kaya ang mga plano nito sa buhay, bago pa man masabi sa kanila ay alam na niya agad iyon.

Ngayong hantaran na ang panunuyo nito sa dalaga ay hindi siya titigil na hindi niya makuha ang pagmamahal ni Angel para sa kaniya. Matapos lang ang kasal ni Dylan kay Rhaime ay tsaka niya gagawin ang sarili naman niyang plano.

Inihinto niya ang kotse sa mataas na gate ng House Of Hope. Tangka na niya sanang gisingin si Angel dahil mukhang nakatulog na ito. Nagbago lang ang isip niya at mas pinili munang titigan ang maamo nitong mukha habang natutulog.

Dahil sa pakiramdam ng mainit na hininga na dumadampi sa kaniyang mukha at ang mabangong singaw nito ang tuluyan nagpamulat kay Angel. Nagulat pa ito ng mukha ni Aidem ang mabungaran niya at nakatitig ito sa kaniyang mga labi.

Tila siya natuka ng ahas pero mabilis rin nakabawi at isang pilyang kalokohan ang pumasok sa utak. Mabilis niyang inilapit ang sariling labi sa labi ni Aidem. Pero imbis na halikan ito ay kinagat niya ang panbabang labi nito nang pino dahil sa inis niya sa ginawa nito.

Napaigtad naman sa sakit ang binata at nalasahan pa ang dugo na nagmula sa balat ng labi niya na naging sanhi ng pinong pagkagat ni Angel dito. Napamura pa siya sa sakit at hindi itinagong nasaktan siya sa ginawa nito.

"You're a crazy bitch woman!" aniya sa dalaga na nakuha pa siyang tawanan pagkatapos ng ginawa nito.

"Hindi naman iyan masakit. Para ka lang kinagat ng langgam, iyon nga lang nagdugo."

"You pay this later Angel." Hinawakan muna niya ang labing may sugat at tsaka tiningnan ang mga daliring nabahiran ng dugo. Tsaka minaniobra ang sasakyan papasok sa loob ng may magbukas na nang malaking gate ng ampunan.

Hindi naman niya pinansin ang sinabi ng binata at ipinagsawalang bahala lang iyon. Tinaasan pa niya ito ng kilay kahit hindi naman ito nakatingin sa kaniya.

Nang maayos na nitong na-park ang sasakyan ay hindi na niya hinintay na ipagbukas siya ng pintuan nito dahil inunahan na niya iyon. Dirertso siyang pumasok sa loob ng Bahay Ampunan at ang opisina ng Madre Superyora ang kaniyang tinahak na daan.

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Where stories live. Discover now