Utang Kalimutan Online Shopping Mas Important

8 0 0
                                    

Sa pagsulpot ng makabagong teknolohiya ngayon ay siya ring pagsulpot ng mga wallet na butas, mga allowance na waldas kaka-add to cart ng mga gamit sa iba't ibang online shopping site.

May ilang tuwang-tuwa dahil naka-sale ang pinakahihintay nilang produkto sa Lazada/Shopee.

May ilan ding mangiyak-ngiyak dahil mawawala na parang bula ang sweldong pinaghirapan nila. Parang dumaan lang na hangin sa palad nila.

Sa tuwing kapos din ang ilan sa mga tao ay nariyan sila't kumakatok sa pintuan ng mga kaibigan nila para mangutang, pambayad ng chineckout nila sa mga shopping sites.

Mala-MMK naman ang ilan sa atin kung makahingi ng dagdag araw sa singilan.

Sasabihing walang pera pero biglang may perang pang-checkout sa Lazada at Shopee?!

Sa susunod na mangungutang ay sana'y may kontrata na kalakip, na sila'y hindi makakapangasawa sa loob ng ilang taon o 'di kaya'y mababaog kapag hindi agad nakabayad ng utang.

Ano 'to, kulam? Hahaha!

Ganito na lang, mahinahon at tapat ninyong hiniram ang pera sana ganoon din sa pagbalik nito sa nagmamay-ari.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pansin n'yo? Where stories live. Discover now