Under The Rain With My Idol

74 36 26
                                    

KIERA'S POV

MULI kong narinig ang lagaslas ng ulan pero hindi na yun sing lakas tulad kanina.

"Hey!" Tapik sa pisngi ko ng boses lalake. "You okay?"

Dumilat ako. Una kong nakita ang mga patak ng ulan sa transparent na payong.

Naalala kong tumatakbo ako't umiiyak sa gitna ng ulan bago ako tamaan ng kidlat.

Sinuri ko ang sarili ko. Nasa maayos naman ang pangangatawan ko.

Nakakapagtaka.

Saglit akong napatitig sa patak ng ulan sa transparent na payong.

Napansin ko ang mga puno.

Napabangon ako't tinignan ang paligid. Hindi ko kilala ang lugar na yun. Puro mga puno at walang mga bahay.

Patay na ba ako? Langit na ba to?

"Jeeezzz." Sambit ng may hawak ng payong. "Hey. Are you alright?" Lapit niya ng payungan ako.

Nilingon ko siya.

Tila tumigil ang mundo ko ng makilala ko kung sino yun.

Nanghina ang tuhod ko.

Natagpuan ko nalang ang sarili kong nasa bisig niya. Habang nasa ilalim parin kami ng payong na hawak niya.
Nagtama ang mga mata namin.

Kilala ko ang gwapong mukhang yun. Ang mga matang yun na pinapangarap kong isang araw makita ako. Ang matangos niyang ilong, ang makinis niyang pisngi at ang mamula-mula niyang labi na sa poster ko lang na hahawakan at nahahalikan. Mga poster niya na nakakabit sa kwarto ko.

Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko na siya ngayon.

Na nahahawakan ko siya. Na ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya. Na amoy na amoy ko ang bango niya.

May kirot sa pusong napangiti ako.

Nanaginip lang ako... Panaginip lang to... Panaginip lang ulit...

Inabot ng isa kong kamay ang leeg niya at hinaplos ang tattoo niya doon.

Parang totoong nasa harap ko si Jay Park!

Umawang ang labi niya pero hindi niya maituloy ang sasabihin.

Ngayon na nanaginip ulit ako. Tutuparin ko ang ipinangako ko sa sarili ko. Kailangan maglapat na ang mga balat namin.

Sa mga panaginip ko noon lagi nalang napuputol yun sa twing iisipin kong yakapin o hawakan siya.

Mula sa pagkakahaplos ko sa tattoo niya gumapang ang kamay ko sa batok niya. Hinila ko siya para maabot ng labi ko ang pisngi niya.

Panaginip ko to! Walang makakapigil sakin!

Sa hindi sinasadyang pagkakataon ng pumihit siya, nagdikit ang mga labi namin.

Nagulat ako. Nagkagulo ang kung anong mga bagay sa dibdib ko.
Ramdam na ramdam ko ang lambot at init ng labi niya.

Nagdiwang ang puso ko ng dumiin ang mga labi namin sa isa't isa.
Im lost.

Slow motion. Nabitawan niya ang payong ng hapitin niya ang bewang ko ng tuluyang manghina ang tuhod ko.

Lumakas ang ulan.

Ginising kami ng patak ng mga ulan.

"Wowowowooh!" Maingat niyang hinawakan ang balikan ko palayo. "Im sorry... I... mean... Are you crazy? Did you hit your head or something? How... Why did you kiss me?"

Under The Rain With My IdolWhere stories live. Discover now