Babalik sana siya sa pagtanaw sa labas ngunit..

"Eros.."

Halos manigas siya sa kinauupuan nang marinig ang pangalan ng kuya niya.

Anong ginagawa nito sa bahay ng Nay Mina niya? Nasa isip lang niya ang mga ito at hindi niya akalain na bibisita ito sa kanya.

"Pasok ka, hijo." Malumanay ang boses ng ginang. Dinig niya ang tunog ng sapatos nito.

"Nasaan siya?"

"Sa kwarto."

Mas lumakas ang tunog ng sapatos na palapit sa kinaroroonan niya. Napalunok siya habang nakatingin sa pinto kung saan makikita niya ang kuya niya.

Nang makita niya ito ay inaasahan niyang seseromanan siya nito ngunit kaagad itong lumapit sa kanya at niyakap niya. Sa sobrang higpit ay nahirapan pa siyang huminga. "Thank God you're ok."

Naghalo halo ang emosyon niya. Masaya siya na makita ang kuya niya at nalulungkot dahil sa ganoong paraan pa sila nagkita. Pero nangibabaw ang kaligayahan sa puso niya dahil sa pangungulila niya sa mga ito.

She thought that if she could stay far away from them and live her life, she would get use to not see them for awhile. But now, she knew that she'll never be able to live without the presence of her siblings.

"Hindi ka ba galit sa akin?" Maiiyak niyang tanong rito.

"Bakit ako magagalit? I am rather worried of you. How can you not contact us when you got hurt?"

"Ayokong mag-alala kayo."

"Mas lalo kaming nag-alala." Lumuhod ito sa harap niya at hinaplos ang kanyang mukha. Kunot na kunot ang noo nito ngunit ang mga ekspresyon ay labis na nag-aalala. "You are my responsibility, remember? I told you, I'll be here whenever you need me."

"I am sorry."

"Look how pale you are."

"Inaalagaan naman ako ni Nay Mina."

Napabuntong hininga ito. "Alam ko. Pero kailangan mo paring ipaalam sa akin ang mga nangyayari sa'yo. Nasaan ang cellphone mo?"

"In my bag."

"Bring it with you whenever you go."

Tumango siya. "Alam ba nila ate Sera ang nangyari?"

Umiling ito saka muling bumuntong hininga. "I hate keeping secrets from her. But I know you don't want her to know."

"Thanks, kuya."

"I'll stay here for awhile."

"Paano si ate Rhianne at mga anak mo?"

"They're gonna be fine." Tumayo ito saka nagtungo sa kanyang likuran upang itulak siya palabas ng kwarto. "Alam nila na ikaw ang dadalawin ko."

Napasinghap siya nang makita ang mga dala nito na nasa sala at inaayos ni Nay Mina.

May mga pagkain, gamit at kung anu-ano pa na magagamit nila sa pang-araw araw.

"What is all this, kuya?"

"I know you don't want me to bring something. But, I can't help it. It's for Nay Mina."

"Sinabi ko rin na huwag na siyang magdala." Singit naman ni Nay Mina. "Pero heto at nagdala parin."

"Regalo ko para sa pag-aalaga mo kay Alexa."

"Hindi na alagain si Alexa. Sa totoo lang ay marunong naman siya sa gawaing bahay. Ayon nga lang, hindi niya bagay." Itinuro ni Nay Mina ang bakanteng silid. "Walang gumagamit diyan dahil wala naman ang anak ko, pwede mo gamitin kung mananatili ka rito."

Herrera Series 8: The Last HeiressWhere stories live. Discover now