Tutor 4

30.4K 234 4
                                    

Tutor 4
I missed her...

___

Abby's POV 

Para lang slow-motion, bumagal ang pag-takbo ng lahat. Para'ng huminto yung oras, wala akong marinig kung Hindi tibok ng puso ko lang. Tapos ngumiti siya, kung nakaka-matay yung ngiti baka matagal na ako 'ng patay. 

"Do you need a ride?" Tanong niya sakin. Salamat! bumalik din ako sa mundo ko.

Nag-dalawang isip ako. Baka kung ano ' ng gawin sakin ng lalake'ng to... Umayos ka nga Abby! Wala ka na'ng pera pang jeep tapos pakipot ka pa! Eh ano? Mag-lalakad ka? E ang lakas ng ulan!

"S-Salamat ah.. " binuksan ko yung pintuan niya at nag-hesitate na umupo. Baka mabasa yung upuan. 

Like a mind reader, nabasa niya yung nasa isip ko. "Don't worry about that, you can sit down." Sobra naman kung mag-english to! Baka nose-bleeden pa ko.

"San ka nakatira?" Salamat! Nag-tagalog din siya.

"A-ah, sa Corazon Apartments malapit sa school natin. " Sagot ko sa kanya habang pinag-mamasdan ko yung sasakyan niya. Halatang mayaman. May air-con, may tatlo na iba't ibang klase na shades na naka-ipit sa mirror niya, at mukha talaga'ng high-tech. 

Huminga ako ng malalim at lumingon Kay... Ano nga pala pangalan niya? 

Biglaan naman siya lumingon sakin ng mabilis at tumingin pabalik sa kalsada. 

"Pinagnanasaan mo ba ko?" Gago ' to ah! Feelingero! Ano akala niya sakin?? 

"Alam mo, salamat kasi pina-sakay mo ko, pero sorry, hindi kita type e." Napansin ko siya na napa-simangot at tumingin nalang ako sa labas.  

"You'll ride me later." Bulong ng lalake.

Ano daw? Eh nakasakay na nga ako eh! Eto nga oh, pa-drive na sa apartment ko. Tanga ba to? 

"You're Abigail right? Cinco's Cousin?" Tanong niya hagang may-ngiting nakakaloka. 

"Ako nga, Ikaw si.." Sana Hindi siya ma-offend pero Hindi ko talaga alam yung pangalan niya.

"Gavin Buenavista. The actor." Bored niyang sagot. 

"A-ah sorry ah! Hindi kita nakilala! Hindi kasi ako nanonood ng t.v. eh. " namula ako. Nakakahiya! 

"Yes, I'm Gavin Buenavista. Call me Gab for short. "

...

....

.....

"Ahh ikaw pala yun noh ha-ha-ha. Ah! Eto na pala yung apartment ko. Baba na ko!" Kinabahan ako kaya naman Hindi ko maiwasan na maging awkward. Ano daw? GAB?

Ewan ko kung bakit. Dahil ba kasama ko yung pinaka famous na artista sa Pilipinas o dahil ba 'Gab' ang pangalan niya. Yung Gab na iniiwasan ko kanina pa.  

Sinubukan ko buksan yung pinto pero ayaw ma-buksan. Paano ba to?! May-kailangan bang pindutin? 

"Apartment mo? Eh wala naman ako'ng makita'ng apartment mo ah.." Tumingin siya sa paligid niya At tinanggal yung seatbelt niya.

"T-teka, a-anong ga-gawin mo?" Ni-lapit niya yung mukha niya sa akin kaya naman napa-lean back ako. And pula ko na siguro. 

Nag-pause siya, tumingin siya sa labi ko.. tapos tinitigan ng malalim yung mga mata ko. 

Yung mga mata niya kulay brown, eto yung klaseng mata na ayaw ko, yung tipo na isang titig pa lang ay pwede ka nang ma-lunod. Napalunok ako at Hindi ko na napigilan isara ang mga mata ko.

[R18] For Hire: Sex-tutor ng ArtistaWhere stories live. Discover now