Wag Kang Bibitiw, Bakla.

Magsimula sa umpisa
                                    

At sa nabasa ay naisipan niyang wag na magreply. Confirmed. There really is something wrong.

The whole day ay nasa dorm lang si Vice. Ang dalawa niyang kasama ay nagsialis kaya naman wala siyang kasama. Nagawa na niya ang lahat ng kanyang dapat tapusin, at sa sobrang bored ay tinawagan agad niya ang kaibigang si Vhong. 

"Bakit brad? May problema ba?"

"Oo. Si Karylle kasi.."

"Ah.. Pwede bukas nalang? Sorry brad di ako pwede ngayon eh." nadisappoint naman ng konti si Vice pero naiintindihan naman niya ang kaibigan.

"Sige sige. Ayos lang. Ingat dyan Navarro." sabay pindot ng end button. Next option was Billy. Pero hindi niya rin ito maicontact. He had no choice kaya naman nanood nalang siya ng movie hanggang sa nakatulog siya.

Samantala, kasama naman ni Karylle ang kanyang pamilya. Hindi naman nawawala ang kanilang bonding moment sa kusina ng kanyang ina kaya di rin nawala sa topic si Vice. 

"How is he nga pala? You could've invited him over. Okay na rin naman kay Yael di ba?" her mom asked. She rolled her eyes and looked away.

"I want to. But i'm in a big trouble kasi right now, Ma." 

Her mom let of the dish she was holding and pulled a chair so she could sit down. "Okay. Let's talk." 

"Okay. So yesterday Yael was out of town so we weren't able to spend Valentine's together. And I told you na I went out with Anne di ba? Hanggang nakauwi ako and I found a surprise sa condo ko." sabi niya sabay kagat sa hawak niyang hopia. 

"Surprise?" 

"Yup. May malaking teddy bear plus necklace na nasa bed ko." tumango naman ang mommy niya pero halatang naguguluhan sa nangyayari. 

"Why? What's wrong with Yael giving you gifts ba?"

"It wasn't from Yael. It was from Vice." 

Indeed her mom was surprised. First time daw na nagbigay ng regalo si Vice kay Karylle sa araw ng mga puso. Tinanong na kaagad niya ang anak niya kung ano nga ba talaga ang problema at gumugulo sa isip ni Karylle.

"I slept at his place last night."

"What?! Di ba boys dorm yun?"

"Yup. But it was late na kasi. So I decided to stay and make sure he's okay." her mom suddenly grinned and she got a bit confused with what she's seeing. Truth is, naiisip ng ina niya na nagkakadevelopan na sina Vice at Karylle.

"If Yael really loves you, he wouldn't let you choose. But I think that he's getting jealous of Vice. I know it sounds unfair but masyado na kayo nagkakalapitan ng best friend mo. Something might develop sa inyong dalawa."

She stood up and gave her daughter a hug sabay bulong dito. "Make the right decision, anak." 

------------------------------

The next day.. 

Vice's POV

Mabilis kong inayos ang mga gamit ko para mapuntahan agad ang mahal ko. Este ang best friend ko. Alam kong nandun na yun. Ako lang naman laging late sa tuwing magkikita kami dun eh. Habang  papunta dun ay nakasalubong ko si Yael. Sinadya niya akong binangga dahil may ibubulong pala siya sakin.

"Say goodbye to your friendship with my girl. Oh and by the way, tinapon ko yung niregalo mo." sabay alis nito. Sumikip ang dibdib ni Vice sa narinig. Gusto niyang umiyak. Una, ay hindi nya inakalang magawa iyon ni Yael. Pangalawa, di niya pa nabayaran ang BillyVhong sa utang niya.

-----------------------

Patagong umiiyak si Vice papunta sa kinaroroonan ni Karylle. Hindi siya nagkamali dahil naroon na nga si K. Nakatitig lang ito sa kanya sa malayo. Nang makaupo sa tabi ni K ay wala man lang itong sinabi. Di man lang siya tinanong kung ano ang dahilan ng pag-iyak nito.

"Ano na Karylle?! Sasabihin mo na ba sakin na titigilan na natin ang pagkakaibigan natin? Ano?!!" mas naiyak na siya nang yakapin na siya ni Karylle.

"I'm so sorry Vice.." 

They stayed that way for a few minutes until Vice let go of the hug and wiped his tears away. Lakas loob na siyang nagsalita para mailabas na niya ang sama ng loob na kanina pa nararamdaman.

"Tang*na Karylle! Bakit ba pinapatagal mo pa ang usapan? Alam ko namang sasabihin mo saking tinapon ni Yael yung mga niregalo ko sa'yo kahapon eh! Tapos ano? Pinapapili ka na ba niya? Kung ako o siya? Eh halata naman eh! Siya ang pipiliin mo! Kung nasasaktan ka sa pagsakal ng boyfriend mo ba't di mo hiwalayan?!"

"Vice kasi mahal ko siya." she quietly replied.

"MAHAL DIN KITA!"  he wasn't supposed to say it, yet he couldn't hold it in anymore. "Tinapon niya yung regalo kong di ko pa nababayaran! Karylle mahal yun!" sabay tawa nito in a sarcastic way. "Pero sige, oo na. Nandito na rin naman tayo di ba? Sana sabihin mo na eh.."

Karylle took a deep breath. "Makinig ka please.. Let me explain." 

"Wala ka ng dapat ipaliwanag. By the looks of it, oo na. Sinasabi mo na sakin na ayaw mo na. Sana ingatan ka niya gaya ng pag-iingat ko sa'yo. Sana alagaan ka niya gaya ng pag-aalaga ko sa'yo. Sana higitan niya ang pagmamahal ko sa'yo." tumayo si Vice sabay punas ng kanyang mga luha. "I'll see you around, ex best friend." 

Akmang aalis na sana si Vice nang bigla siyang hinawakan ni Karylle sa kamay niya..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"I choose you, Vice. I'm breaking up with Yael." 

Author's POV

Sorry guys ha. Weekly lang yung updates ko. But still thank you for supporting this! Sabayan niyo ako sa susunod na mga mangyayari sa dalawang to. Boy Banban and Girl Manhid. Naeexcite na ba kayo sa susunod na chapter? Ako din eh! 

ViceRylle: PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon