Chapter Forty-Three (First Move)

Почніть із самого початку
                                    

"I'm sorry Alpha,"

"Go head Qy, just focus on what you're doing," pahayag ni Alican.

"Ano bang nangyayari?" bulong niya kay Philcan.

"May nagtangkang pasukin ang system ng bahay, inaalam pa namin kung ano ang ginamit na device at may palagay kaming nasa malapit lang ang intruder, hindi basta basta napapasok ang system ng bahay, ito ang pinakasecured maliban sa headquarter at bahay ni Avunculus,"

Tumango lang siya. Sino naman gagawa no'n? Minsan nang naik'wento sa kanya ni Philcan na may problema ngang kinakaharap ang Uttara. Ito na ba iyon? Napatingin siya sa kanyang mga anak. Huwag naman sanang madamay ang mga bata.

"Alpha Alican, I already tracked the device, radius is very near, on searching Sir, found it!"

"Apolectus Unum, you have a bug,"

Biglang bumaling ang tingin ng lahat sa kanya. Bigla siyang nang liit sa mga titig.

"Anong bag? Wala akong biniling bag?" mabilis siyang kinapkapan ni Philcan.

"Shit!" nakita niyang hawak nito ang isang maliit na chip. "Ipatawag ang dalawang beta!" utos nito kay Alala. Ngayon naman ito na ang galit na galit.

"Search Unit 1 to Pelagus Aedificium!" mabilis na utos ni Cronus mukhang nag-aappear ang hologram nito sa buong parte ng Uttara kung saan naroon ang search unit.

"Anong sector ka pumunta Abby?" tanong sa kanya ni Cerus.

"Sa sector Shi, Wu, San at Ba," pag-iisa isa niya. Paanong may nakakabit sa kanyang device. Saan galing iyon?

"May palagay akong wala na sa Pelagus Aedificium ang intruder, matagal ng nakaalis iyon, sadyang kinabit niya lang kay Abby ang device para mataranta ang lahat hindi niya talaga intensiyon na pasukin ang system ng bahay mo Vulcan, a clever move!" pahayag ni Alican.

"How dare him to give me a warning! I want all the units to prepare, We're on Alert Level 3 now!"

"Yes Sir!"

"Okay ka lang, may nararamdaman ka bang kakaiba?" tanong sa kanya ni Philcan. Hindi pa rin ma-absorb lahat ng utak niya ang mga pangyayari.

"Oo, okay lang ako, inaalala ko lang kung pa'no naikabit sa akin ang sinasabi niyong bug," binalikan niya lahat ng pangyayari sa kanya.

"Vlex, doon tayo sa sector Wu, may mga bibilhin lang akong pagkain," mamimili siya ng mga gulay tutal naman narito na siya sa Pelagus Aedificium lulubos lubusin niya na.

"Sige po,"

Nakasunod lang sa kanilang dalawa ni Vlex ang kanyang kleinonian guard beta, bitbit nito ang mga pinamili niya para sa mga bata. Dito lang sa Xenica siya nakakabili ng maraming marami, buti na lang nakapangasawa siya ng mayaman. Asawa?! Taray! Hihihi.

Nakarating sila sa section na puro mga gulay. Nakita niyang nahihirapan na sa kasusunod ang dalawang beta.

"Sagi, Aqui, dalhin niyo na lang muna sa sasakyan 'yang mga bitbit niyo, hintayin na lang namin kayo rito,"

"Di ka po namin pwedeng iwan," tipid na sagot ni Sagitar.

Sabi niya na nga ba, "Ganito na lang, 'yong isa sa inyo dalhin na lang muna ang mga 'yan sa sasakyan, then maiwan ang isa rito, okay ba 'yon?" nakangiti niyang tanong sa dalawa.

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now