Chapter XIX

63 5 2
                                    

DAYS PASSED!

Maraming nagbago sa buhay ko simula ng maging artista ako atsaka mas marami na rin nakaka-kilala sakin. Mas maraming humanga sa talento ko na akala ko ay wala na...

Hindi ko nakakausap o nalalapitan manlang si Athena dahil madalas busy kami sa kanya-kanya namin trabaho saka madalas din napagsasabay ko yung trabaho ko sa Company namin at ang pag-aartista ko kaya lagi akong pagod.

d-.-b

Sa ngayon may taping kami na sinabi noon ni Mr Lee. Kinakausap kami ng Director ngayon kaya naman nakikinig kaming apat nila Sam, Hyu-Ri, Athena at ako habang nakaupo kami sa kanya-kanya naming upuan. Nasa parang outdoor canopy tent kami ngayon magkakasama kaya halos kita namin yung mga taong nanonood samin kahit hindi pa naman kami nagsisimula. Kasama din namin yung mga Staff na may inaayos na kung ano.

d-.-b

Bigla ko naman naalalang na-adjust nga pala yung taping namin na dapat Wednesday kaso ginawang Friday dahil masyadong natatambakan yung schedule namin.

"Iniba ko na nga pala yung magiging role niyo sa gagawin ninyong pelikula ngayon. Pero Heiden, ganun pa rin yung magiging karakter niyo ni Hyu-Ri, gangster at badboy pa rin ah"

"Sam, ang magiging role mo naman ay magiging boyfriend mo si Heiden at ikaw naman Alaina ang magiging role mo naman ay boyfriend mo si Hyu-Ri"

Nanlaki naman yung mga mata ko dahil sa narinig ko. ANO DAW?!

Napansin ko naman na akmang magre-react na sana si Sam ng biglang sumabat si Hyu-Ri.

"Ahm Direk?"

"Yes, Min-Jin?"

"Ah eh... Pwede po bang role ko na lang maging boyfriend ni Sam tapos si Heiden naman yung magiging boyfriend ni Alaina?"Tanong ni Hyu-Ri kay Direk.

Nagulat naman ako dahil sa sinabing yon ni Hyu-Ri.

"I'm sorry Min-Jin, pero hindi pwede... Saka ako ang director dito diba? Kaya ako ang masususnod kung anong role ang gagampanan ninyo"Seryosong sagot ni direk kay Hyu-Ri.

Nagpatuloy na yung direktor sa pagsasalita kaya nakinig na lang ulit ako kahit nagtataka ako kung bakit mas gusto ni Hyu-Ri si Sam yung maka-partner niya tapos si Athena naman yung gusto niyang makaka-partner ko.

Hays! Nagpapakitang tao na naman siguro 'to!

d-.-b

Pero nagtataka din ako kung bakit kinakausap kami ng direktor para sa magiging role namin ngayon eh dapat noon pa lang sinabi na niya para hindi kami nagpa-panic.

Tsk! Ikaw lang naman 'tong nagpa-panic Heiden ih!

Pagkatapos naman kaming kausapin ni direk ay biglang may inabot siya sa amin na papel.

Binasa ko naman kung anong nakasulat kaso napakunot noo na lang ako dahil script pala yun!

d>>__<<b

"1 hour bago tayo mag-start!"

Nabigla naman ako ng bigla yun sinigaw ni direk. Sumagot naman yung tatlo maliban sakin dahil hindi ko alam yung gagawin ko.

Tsk! Malamang babasahin mo yung script!

Binasa ko na lang yung script ng tahimik kahit sobrang relate ako sa binabasa kong script.

Nag-iba na kasi yung magiging role namin pero badboy at gangster pa rin daw yung magiging karakter namin ni Hyu-Ri.

"Heiden?"

Napatigil naman ako sa pagbabasa nung script ng bigla akong nilapitan ni Sam. Napaangat naman ako ng tingin sa kanya.

"Ah eh h-hi?"

I'm her lover (SEQUEL)Where stories live. Discover now