"Buti naman" pagod na sambit ko.

"Mukang pinagdiskitahan ka na naman ni machoy kagabi hahaha" umiling ito dahil sa katotohanang alam niya kung ano ang trato sa akin ng machoy na yun. Machoy- Maam Tabatchoy.

"Sige una na ako" walang kagana ganang paalam ko.

Napahinga ako ng malalim ng makalabas ako. Agad akong pumara ng jeep at sumakay dito.

"Heto na naman" bulong ko sa sarili ko ng makababa ako sa jeep, dahil andaming tambay dito sa dadaanan kong eskinita papunta sa bahay.  Ginagawa  nilang pang-umagahan ang alak, hindi ba nila alam na nakakabawas ng life span ang pag-inom ng alak? Tahimik at nakayuko akong dumaan sa tabi ng mga lalaking nag-iinuman dito sa harap ng tindahan ni Aling Esang ng may humarang sa akin na mukhang tae.

"Makikiraan po" walang kaemo-emosyong sambit ko sa amoy imburnal na lalaking ito.

"Aba hindi ata pwede Janis" tumatawa pa siya. May sayad ba ito sa utak, tumatawa kahit walang nakakatawa. Napairap na lang ako dahil sa mga sungot na ito.

"Close ba kita para tawagin mo akong Janis?" nawawalan na ako ng pasensya. Pagod ako mga depungal! Hindi niyo gugustuhin na galitin ang isang pagod na magandang katulad ko.

"Hindi! Pero ang nanay mo close ko" kumindat pa ito sa akin, naikuyom ko ang kamay ko dahil sa galit.

"Aba eh, apakagaling naman pala ng nanay mo, pati na din sa kama. Alam mo yung pelikula niya, jusme angg gandaa hahaha" nakipag-apir pa siya sa mga kasamahan niya tsaka nagkipagtawanan.

Nakagawa ng proyekto ang nanay ko kung saan involve ang malalaswang palabas. Pero alam kong hindi niya iyon ginusto. 

At ang ayaw ko sa lahat, ang kinukutya ang mga magulang ko.

"Tapos na kayo? Mga salot sa lipunan" galit na sambit ko sa kanila. Aalis na sana ako sa harapan ng diablo ngunit bigla ulit siyang nagsalita na siyang ikinagalit ko ng lubusan.

"Eh pokpok nanay mo, siya ang salot sa lipunan" saka siya tumagay.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang baso ng alak saka binato iyon.

"Tang-ina niyong lahat! Punyeta naririnig mo sinasabi mo? mas salot ang mga taong kagaya mo. Bakit? wala ka na ngang trabaho, nakikipag-inuman pa kayo tsaka kayo nanghaharang, binubugbog mo pa asawa mo. At ano mas salot nanay ko? tutal dinamay mo nanay ko, idamay na din nating yung mga anak niyo! Yung mga anak niyo na kung sino sino ang kinakama para lang magkaroon ng pera dahil hindi niyo nabubuhay ng maayos dahil nga salot kayo." halos maubusan ako ng hininga dahil sa pagsigaw ko.

" Bastos kang bata ka! " sigaw din nito sa akin. Akmang sasampalin  niya ako pera inunahan ko na siya. Sinuntok ko ang mukha niya ng malakas.

" Tol! tumayo ka jan" lumapit ang mga kasama niya tsaka siya pilit ginigising. Lumapit sa akin si Aling Esang saka ako inalalayan paalis.

"Jusko pagpasensyahan mo na ang mga taong iyan, Olivia, pati din naman ako gusto ko silang paalisin dahil kung anu-anong kalokohan ang mga pinaggagawa nila, pero wala akong magawa dahil mas matapang sila" pang-aalo nito sa akin.

Pinunasan ko ang mga luha kong kanina pa tumutulo.

"Mabait ang nanay mo, mabait ang pamilya niyo, kaya wag mo na silang pansinin, iha." ngumiti ito sa akin at naglakad paalis.

Inayos ko ang mukha ko at muling isinuot ang ngiting lagi kong ginagamit.

"Nay! Tay! nandito na po ako" napahinto ako ng makita silang tahimik na nakaupo sa hapag kainan, habang may binabasang mga listahan.

Along With The Billion StarsWhere stories live. Discover now