"Thank you Lyon for doing this." Binalingan ko si Lyon habang naglalakad kami sa taniman.

Sa harapan namin ay ang matataas na tubo at ang nakapapasong sinag ng araw. I squinted my eyes to Lyon whose fairly tanned skin was turning a bit red from the sun.

"Don't be dramatic. Bilisan mo at sandali lang tayo," Hinigit ni Lyon ang kamay ko at tinakbo namin ang tubuhan.

Dumapo ang mga mata ko sa pulso nito. Palagi niyang sinusuot ang bracelet na niregalo ko sa kaniya.

"Oh, ayun na si Stav. Dito na lang siguro kami ni Ida." Ani Lyon nang matanaw namin si Stav.

"Pwede niyo naman kaming samahan."

"'Wag na, Lia. Gusto mo pa yata kaming gawing audience sa pag-PPDA niyo. Respeto naman."

Tumawa ako at binalingan si Ida.

"Thank you din sa'yo, Ida. Pati tuloy ikaw nadamay pa--"

"Mauna ka na, Lia. Hindi naman tayo magtatagal at babalik rin." Pagtataboy ng medyo suplada ko talagang kaibigan.

"Go, we'll be fine!" Inakbayan ito ni Lyon.

Narinig ko pa ang reklamo nang huli ngunit natangay na palayo ni Lyon. Hinarap ko si Stav na ngayon ay naglalakad na patungo sa akin. It was slow motion, I was standing in the field in my summer dress, and his deep honey eyes held me as he went closer. 

I smiled at him but soon as he hugged me, my heart clenched and my eyes welled with tears.

"Hey," he whispered huskily and combed my hair back.

"Okay ka lang? Ano'ng nangyari? Ang Auntie mo na naman ba? Sinaktan ka ba niya?" Sinuri niya ang kabuuan ko.

I hate how he simply understands everything without me saying anything. He's the person who could possibly ever know me like this.

"No, Stav." Tumikhim ako at ngumiti sa kabila ng tahimik na pagluha.

Marahan niyang pinalis ang mga luha ko. Magkahawak kamay naming binaybay ang tubuhan, patungo sa puno ng Acacia na siyang gitna ng lupain ilang kilometro mula sa mansyon namin.

Naupo kami sa maninipis na damong nakalatag sa lilim ng punong kahoy. Stav leaned on the tree trunk while I leaned on his shoulder. The vast sugarcanes that were softly dancing with the wind were our view. From a distance, the lush green mountain ranges are clearly seen. The skies were clear and the yellow beams of the sun streams freely in everything underneath the heavens. 

"Ano'ng nangyari, Clem?" Untag ni Stav sa gitna ng katahimikan.

"What?"

"Hindi ka naman makikipagkita nang biglaan at iiyak ng ganito kung walang nangyaring masama. Did someone see us last night?"

"No," Umahon ako sa pagkakasandal at hinarap ito.

His eyes were dark with worry.

"Nakauwi na si Mama at.." I inhaled sharply. Muling namumuo ang sama ng loob ko kapag naaalala ang galit nito.

"She found out about us and she hurt me again." Pilit akong ngumiti para lang iparating na ayos lang ako.

But the anger had already conquered Stav's eyes. His jaw clenched hardly as he took my hand.

"Where?" He asked softly.

Nagtataka ko itong tinignan.

"Where did she hurt you?" Ulit niya.

"She slapped me."

Pagkasabi ko noon ay hinawakan niya ang pisngi ko at hinagkan ako roon, para bang hinihilom ang kung ano mang sakit roon. I felt so touched at the gesture, my heart hurt with it.

NOSTALGIA (La Mémoire #1)Where stories live. Discover now