Chapter 13 (part 2)

12 4 0
                                    


Third Person’s POV

Lahat ng takot ni Shani kanina ay napalitan ng labis na pagkagulat ng matunghayan niya ang mukha ng lalaking sumusunod sa kanya. She didn’t expected that this scene would happen, na darating pa pala ang araw na tatawagin siya ulit nito at masulyapan ito sa malapitan. Umabot ng isang minuto bago siya nakabawi sa kanyang labis na pagkagulat, at unti-unti niya na ring napansin na magkahawak pala ang mga kamay nilang dalawa. Agad namang binawi ni Shani ang kamay niya na para bang napaso ito.

“Shani are you alright? May masakit ba sa’yo?” Puno ng pag-aalala na tanong ni Justin sa kanya, sabay lapit pa nito habang si Shani naman ay atras ng atras.

“W-wa…wala, a-ayos lang ako-“

“I’m sorry, di ko sinasadya na gulatin ka kanina…”

“A-aalis n-nako…” Akmang maglalakad na sana si Shani ng higitin ni Justin ang kaliwang kamay niya at saktong sa loob ng mga bisig nito ang bagsak niya. Tila naging isang tuod si Shani dahil sa yakap-yakap na siya ni Justin ngayon.  Maikukumpara sa mata ng isang kwago ang mga mata ngayon ni Shani sa laki ng pagkabilog ng mga ito dulot ng pagkabigla at kaba.
Napakalakas ng pagtahip ng puso niya sa mga oras na ito. Mas lalo pa itong lumakas ng biglang sabihin ni Justin ang mga katagang…

“Shani I’m sorry, patawarin mo ko dahil sa naging duwag ako. Hindi kita naprotektahan nuon, patawad dahil sa loob ng maraming taon ay di ko nagampanan ng maayos ang tungkulin ko sa’yo. Patawad dahil sa hindi ko naparamdam nang buo na mahal na mahal kita. Ngayon patawarin mo ulit ako, dahil sa nandito nanaman ako para guluhin ulit ang buhay mo, nandito ulit ako dahil sa na realize ko ngayong gabi na tama na ang pagpapanggap at pagkaduwag ko. I will never hide and pretend again, and this time I will make sure that we can be happy together. If you will let me Shani, please I’m begging….”

Fayeri’s POV

Matapos kong ihatid si Shani sa kanila ay agad kung pina-andar ang sasakyan sa pinakamalapit na kanto dito sa street nila. Wala pa akong planong umalis ngayon dahil nag-aalala parin ako kay Shani. I think I must wait here until I can see that Shani can safely enter her house.

Sinigurado ko na makikita ko siya mula dito sa pinag parkingan ko. Ngunit agad akong nabahala ng may lalaking sumusunod sa kanya. Lalabas na sana ako ng sasakyan ng biglang hinila siya nung lalaki. Nagmakaawa muna si Shani sa kanya ngunit agad naman itong tinugon ng lalaking sumusunod sa kanya at nagpakilala ito.

“Shani, ako toh. Don’t be afraid I won’t hurt you, that’s the last thing that I would do to you. Oh God! You’re trembling, I’m sorry-“

Rinig na rinig ko yung sinabi nung lalaki dahil malapit lang ako sa kanila. Teka lang, kilala ba siya ni Shani?  At bakit parang alalang-alala sa kanya yung lalaki?

Nakita kong parang binuhusan ng malamig na tubig si Shani ng Makita niya ang mukha nung lalaki. Doon ko nakumpirma na kilala nga siya ni Shani. Nagtitigan lang sila ng ilang Segundo habang magkahawak ang mga kamay. Nang matauhan si Shani at akmang aalis na ay hinawakan nito ang isa niyang kamay para patigilin ito sa pag-alis. Kaya ngayon ay magkayakap na silang dalawa sa gilid ng daan.

At dahil nakita at narinig ko naman na ang mga pangyayari kanina ay naki tsismis pa ako.
Aba! Kailangan kong makilala at malaman kung sino ba talaga ang lalaking ito sa buhay ni Shani noh. I need and I want to help her, I must secure that she will get the happy ending that she deserve to have. Naputol ang pag-iisip ko ng marinig ko ang sinabi nung lalaki kay Shani na labis kong ikinagulat.

“Shani I’m sorry, patawarin mo ko dahil sa naging duwag ako. Hindi kita naprotektahan nuon, patawad dahil sa loob ng maraming taon ay di ko nagampanan ng maayos ang tungkulin ko sa’yo. Patawad dahil sa hindi ko naparamdam nang buo na mahal na mahal kita. Ngayon patawarin mo ulit ako, dahil sa nandito nanaman ako para guluhin ulit ang buhay mo, nandito ulit ako dahil sa na realize ko ngayong gabi na tama na ang pagpapanggap at pagkaduwag ko. I will never hide and pretend again, and this time I will make sure that we can be happy together. If you will let me Shani, please I’m begging….”

Wait lang, parang ito na ata yung lalaking hinahanap ko. Siya siguro yung lalaking naging dahilan kung bakit ganyan si Shani ngayon!

Now I know what to do…

Itutuloy~

Itutuloy~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HOPE IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon