"How is she?"

Natigil ako pagmamasid sa anak ko noong may nagsalita sa tabi ko. Napaayos ako nang pagkakatayo at wala sa sarling napabaling sa nagsalita.

"Maputla pa rin ang balat nito," mahinang sambit pa nito habang nakatingin din sa may salamin at binalingan ako. "Hello, Amari. It's nice to finally meet you. Hindi ko nga lang inaasahan na sa ganitong pagkakataon pa tayo magkikita."

"Who are you?" Walang emosyong tanong ko dito at ikinuyom ang mga kamao.

"Oh, you don't know me?" Tanong nito habang itinuturo ang sarili. "So, walang binanggit si Veron sa'yo. Kung sabagay. He doesn't even care about my existence. What a jerk." Naiiling na dagdag pa nito.

"My husband is not a jerk, Miss. Stop calling him like that." Seryosong saad ko dito.

"Believe me, he's a jerk, Amari. And a liar, too."

"He's not." Mariing sambit kong muli dito.

Akmang magsasalita na sanang muli ang babae noong bumukas na ang pinto ng ICU room at lumabas roon ang nurse na tumingin sa kalagayan ng anak ko. Napaayos muli ako nang pagkakatayo at noong sabihin ng nurse ang kalagayan ni Ayah, napatango na lamang ako.

She's stable. She's doing great. At kung magpapatuloy daw ito, baka sa mga susunod na araw ay magkakamalay na ito.

"She's really a fighter," ani ng babae sa tabi ko na siyang ikinakunot ng noo ko. "Just like her." Dagdag pa nito at binalingan ako. "Wala ka ba talagang alam, Amari?"

Hindi ako kumibo at walang emosyon lang itong tiningnan. Kita ko ang pag-iling nito sa akin at ang paghugot nito ng isang malalim na hininga.

"Unbelievable. Veron really is a jerk," sambit muli nito na siyang ikinangiwi ko. Aangal na sana ako sa sinabi nito noong magsalitang muli ito. Natigilan ako at gulat lang nakatingin sa kanya. "He promised me to take care of Ayah and now, look at her. She's lying inside a goddamn ICU. What a jerk!" Galit na turan ng babae at hinawi ang buhok sa kanang balikat nito.

"You really know him, huh?" Malamig na tanong ko dito. "Tell me, who are you? Anong koneksiyon mo sa pamilya ko?" 

Hindi agad nakasagot ang babae at pinagkunutan lang ako ng noo. Mayamaya lang ay umayos ito nang pagkakatayo at hinarap ako nang maayos.

"Ayos lang ba sa'yo na sa akin manggagaling ang sagot sa mga tanong mong iyan?" Seryosong tanong ng babae sa akin na siyang marahang ikinatango ko. Walang mawawala sa akin kung pakikinggan ko ang babaeng ito. I just want to hear her story. And after this conversation, I will still ask my husband. I will give him the benefit of the doubt. After all, he's my husband. But for now, since nandito na ring itong babaeng ito, might as well listen to her. 

"I'm Cristina Dorothy Fajardo," simula ng babae na siyang ikinalunok ko. "Kapatid ko ang dating asawa ni Veron Angelo." Walang emosyong pagpapatuloy nito sa pagsasalita.

Napaawang ang labi ko sa narinig. Say what?

"Dating a-asawa?" Halos hindi ko mabigkas ang mga salitang iyon. No way!

"Yes, Amari. Veron's ex-wife, my sister, my twin sister, Charlotte Denice Fajardo."

Wala sa sarili akong napatingin sa may salamin ng ICU room ni Ayah at napahawak sa ulo ko. Suddenly, I felt a sting pain inside my head. Napa-atras ako at napabaling muli sa kausap na babae.

"And Ayah?" Tanong ko dito at napailing noong mas lalong lumakas ang sakit sa ulo ko. "Kaninong anak si Ayah?" Napapikit ako at muling napaatras palayo dito. Fvck! This is not good. My body is reacting, too!

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now