Living with Pain

504 17 2
                                    

"Pain demands to be felt."

- An Imperial Affliction (The Fault in Our Stars)

Ang unfair ng pain, ano?

Hindi mo maiiwasan at hindi rin basta basta naaalis.

Minsan sa sobrang sakit, iniiyak mo nalang.

Minsan di ka na makatulog.

Minsan nagigising ka.

Minsan kulang ang "aray".

Minsan di na tinatablan ng pain killers.

Minsan sinusukuan mo na.

Minsan ikamamatay mo...

The sad truth is you can't escape pain. Unless you're healed or already moved on.

Talking about both pains, we've all experienced physical and emotional pain. We were once sufferers.

But lucky us, hindi pala tayo nag-iisa...

Si Kristo rin pala, ang Hari, ang Anak ng pinakamakapangyarihan,nakaranas din ng sakit.

Sakit na hindi Niya naiwasan. Sakit na wala Siyang kinalaman. Sakit na ginusto Niyang maranasan.

Mas unfair po sa Kanya ang pain, ano?

Ikinamatay Niya po yung pain na yun.

Tinanggap ni Hesus lahat ng pagpapakasakit. Mahal Niya kase tayo e. Mahalaga sa Kanya na mailigtas tayo. Kaya kahit di Niya deserve at kahit na sa una palang alam na Niya yung hirap na daranasin Niya, nagpatuloy parin Siya sa paggawa ng kabutihan sa mundo.

Ito'y isang pangyayari na magpapaalala sa atin na sa anumang sakit na nararanasan mo o maaaring maranasan mo ay may kasama ka, may nakakaintindi sayo, may nagmamahal sayo at may handang makihati sa sakit na nararamdaman mo. Pangyayari na nagpapatunay na ang lahat ng pagpapakasakit, paghihirap at pagdurusa, ay may katapusan din.

Tumawag lamang tayo sa Diyos. Siya ang ating pain killer. Walang sakit na di Niya kayang pagalingin at walang sugat na di Niya kayang paghilumin.

Mga kapatid, sa panahong ito ng kuwaresma, ating pagnilayan ang kababaang-loob na ginawa ng Panginoon at ating tularan ang Kanyang pagmamalasakit sa sangkatauhan. Ikaw na pinagaling na, nawa'y ikaw naman ang maging instrumento ng Diyos upang magpagaling ng iba. Amen.

Diary of God's GoodnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon