"Anong meron, boss?" that Fontabella asked.

Naiiling lang ang boss niyang iniwanan kaming dalawa habang itong si Fontabella ay tumutulo ang pawis sa kaniyang patilya. Yung teacher ko noong grade 2 ako hilig na hilig hilahin patilya ko kapag nag-iingay ako sa room. Ewan ko ba sa kaniya, pati psp ko na dinala ko noon kinumpis at pagkatapos ng klase ay nag paturo pa. Ano! Ano! Tsaniin ko bulbol sa kili-kili niya isa isa eh.

"You're here?" he asked in the tone of as-a-mother-of-fuck, de joke matter of fact yon. Tumikhim ako at inilagay ang dalawang kamay sa aking dibdib.

"Well, oo nandito ako para simulan nating dalawa ang love story natin! Romeo, save me!" kanta ko pa at nagtitili. Napangiti pa siya at ang iba ay napatingin sa gawi namin. Mas napangiti tuloy ako dahil sa reaksyon ng tao sa paligid.

"You're funny as fuck. Follow me." sinenyasan niya akong sundan siya at pumasok kami sa isang kwarto, walang tao sa loob, tanging tunog lang ng air-con na gumagana ang naririnig. Alam na this. Isinarado ko na ang pintuan, mahirap na baka tumakbo 'yung air-con.

"So..." panimula ko. "Tayong dalawa na lang, Fontabella..." inokupa niya ang isang swivel chair na may lamesa sa harap nito. Mas bagay siyang boss ng isang kompanya dahil sa visuals niya. Malaki ang katawan, guwapo, may bigote, at amoy mabango. Parang siya 'yung mga CEO sa isang bar na umiinom kasama ang tropa niya tapos may makaka one night stand tapos magiging sila. Like sana ol nag clu-club.

Sa inuman pa nga lang mga kasama ko walang ambag sa alak at pulutang bibilhin namin mag club pa kaya, Diyos ko! Ginawang birthdeyan ang inuman dahil sa lakas kumain ng pulutan sa totoo lang.

Pero mas bagay siya maging baby ko. Ayiii! Lukaret!

"Lincoln, nababaliw ka na, tigilan mo 'yan." sabi ng utak ko sa akin kaya inayos ko ang postura ko sa harap niya.

"Pulis!" sigaw ko dahil nagsisimula na siyang buksan ang mga papeles sa harap niya. Umangat ang tingin niya pero wala siyang sinabi.

"Gusto mo ng chupa?" tanong ko sa kaniya, kaagad namang kumunot ang noo niya.

"Chupa? The fuck is that?!!" galit na galit niyang sigaw. Ewan ko, hindi ko siya maintindihan. Naupo ako sa receiving chair sa harap niya at dinukot ko sa bulsa ang lollipop na binili ko kanina sa tindahan.

"Ay sorry, chupachups. Lollipop." I said and handed him one. Binuksan ko na ang akin at isinubo sa aking bibig.

"Ahh, I thought you meant the other one." ngumisi siya ng kakaiba at binuksan ang lollipop niya. What does he mean na the other one? Ilang saglit ko pa bago nakuha ang ibig niyang sabihin.

"Next time. Well, ano gagawin mo? Gusto mo tulungan kita?" tanong ko at kinuha ang isang folder sa harap niya at binuklat ito. Halos hindi ko naman maintindihan pero mukhang bio-data ng mga nakakulong at may kasamang finger print nila at pictures.

"You're courting me, right?" he asked.

"Oo pero bored ako so wala akong magawa kaya ikaw ang gagawin ko. Ano ba pwede kong gawin dito?" ibinalik ko na ang folder dahil wala naman akong mapapala ron. Dagdag lang sa sakit ng ulo ko.

"Just watch me the whole time. Wala rin akong maisip na pwede mong gawin." naiiling siyang bumalik ang tingin sa bungkos ng folder sa harap niya. Wala, dito lang ako sa harap niya nakatanga.

---

An hour or so has been passed and we are both still here in the room. Fortunately, walang ibang tao ang pumapasok kaya malaya akong nakakagalaw sa buong paligid. Humiram din pala ako ng walis tambo sa labas kanina para mawalisan ko 'tong kwarto ni Fontabella. Eto na naman ako sa Fontabella.

Fontabella 4: Taking The RisksWhere stories live. Discover now