Sumimangot ako. I don't really like sculpting kaya malabo. "Ow. I'm not really fond of sculpting. And plus, my parents wants me to take business related. Kaya maybe maghahanap nalang ako ng iba." Lumungkot ang itsura ko ng binaggit ang kagustuhan ng mga magulang.
"Yeah, yeah. Well, usap nalang tayo bukas. Bye, Trishna!" She smiled widely and I waved.
Naglakad na siya palayo sa 'kin habang ako ay nakatayo pa rin dito. Lucky her, she's free to choose whatever she wants. I swear, If I have a chance to choose my mine, I would.
Bumuntong hininga nalang ako sinimulan na ang paglakad patungo sa driver ni Dad. Naglakad ako palabas ng university. Medyo madilim na ang paligid. It's five-thirty in the afternoon after all. Marami na ding naglabasan na estyudante. Lahat tila pagod.
Pinuntahan ko ang itim na kotse na naka parada sa parking lot ng school. I saw Mang Ruel chit-chatting with the guard. Nag-papangalumbaba siya nang nakita ako palapit. He waved his hands, tumango naman ako.
Pumasok na 'ko sa kotse at hinayaan ang sarili kong maging komportable. Pinagmasdan ko ang makukulay na ilaw sa labas habang dumadaan kami sa downtown.
Why mom? Why dad?
Iyon ang katanungan ko sa sarili ko. For the past years of my life, parents ko ang nag-dedecide sa lahat ng gagawin ko instead of myself. They never let me to decide for my own. Palagi nalang books and reviewers ang kaharap ko just to satisfy my parents.
I also want to try new things. Parang sinasayang lang nila yung kabataan ko. I sighed.
Nakarating na kami sa bahay matapos ang ilang minuto. Pinasok ni Mang Ruel ang sasakyan sa driveway.
Bumaba ako sa sasakyan nang huminto ito.
I just smiled at Mang Ruel to express my gratitude for driving me once again. Malaki ang bahay namin, mansion type. My mom is a CPA Lawyer and my Dad's a Insurance Company Manager.
Pumasok ako at binati ang aso kong si Mogi na naghihintay pala sa 'kin sa veranda. Kinarga ko siya papasok sa bahay. Natanaw ko agad si Mom na naghihiwa sa kitchen ng kung ano man 'yon.
Pumanhik ako sa itaas para ilagay ang mga gamit ko. Nagbihis na din ako ng pambahay. Simple dotted mint green shorts partnered with dotted mint green long sleeves nighties.
Bumaba agad ako sa dining area kung nasaan si Dad at Mom para sabay kaming kumain. Humalik ako sa pisngi nila bago umupo sa silyang nakalaan para sa akin.
Mom is serving the foods while Dad is sitting on the chair parallel with mine while reading a newspaper.
Dad looked at me and asked. "How's your day?"
Pilit akong ngumiti. "Fine, dad." It was a routine, ang tanungin ako tungkol sa araw ko. I must give them positive answers or else I'd be doomed.
Nagsimula na din akong kumain.
Umupo na din si Mom pagkatapos nyang ihanda yung mga pagkain. She looked at me. "Balita ko ngayon ang grading nyo? How's your grades, Trishna?" she asked me warningly.
"I passed. Just like the usual. A lot of my classmates didn't. I think only 7 of us passed." I said with a forced smile.
"Dapat lang. You need to maintain your grades, Trishna." Dad said.
"I'm maintaining it, Dad. It's just that my grades are lower this sem than the last semester. I still passed, though." I carefully answered.
Tumigil sa paghiwa si Mommy. "Pardon, Trishna?"
Tumingin sa 'kin si Dad nang nakakunot na ang noo. Yumuko ako, unable to speak.
My mom let a frown. "What happened, Trishna? Buong week ka nagreview, hindi ba? Isang maling galaw mo lang, Trishna, babagsak ka!"
"I-I'm sorry, okay? It's just that parang na out of control ako these past few days." I said.
"Out of control?" my dad hissed. "We gave you a bunch of books and a space for you to review peacefully! Papaanong na out of control ka, Trishna?"
"I'm sorry. I didn't expect it to be that hard." sagot ko. "But I got the highest score."
Tila galit pa rin si Dad nang tumingin ako sakanya. Umiling siya na parang dismiyado. "Not an excuse! I can't believe this. You should've tried harder."
Nalukot ang mukha ko. Here we go again. Tumango nalang ako at nag sorry ulit.
"Yes, dad." wala akong nagawa.
--
Bumalik ako sa kwarto ko pagkatapos kumain. My room is a mixed of galaxy theme. I have my red violin placed beside my cabinet. I just play violin when I'm in the mood to play. Hindi ako ganoon kagaling. It was almost nine o'clock but I still have to study.
Pinagmasdan ko ang nakakalat na mga papel at laptop sa study table ko. I studied the whole day but I know I still have to.
Hindi ako pwedeng magkamali.
Ever since I was a kid, my dad always tell me not to do mistakes. It is always the "be the best or be nothing".
Nang matapos akong mag review ay nahiga na ako sa kama at kinuha ang cellphone para mag browse sa internet bago matulog.
--
Nandito na ako sa parking lot. Kaka-alis lang ni Mang Ruel pagkatapos akong ihatid. Naglakad na ako papasok sa university. Madami akong nakasabay na estyudanteng papasok din.
They all look good with their uniforms. Our uniforms are just a black skirt na hanggang sa itaas ng tuhod at loose long sleeves na kulay black din. May ribbon ito sa sa itaas at gitna ng dibdib. Nakalugay lang ang buhok kong hanggang ibaba ng dibdib.
Lumakad na ako papunta sa room namin. Nang nakapasok na ako ay konti pa lang ang mga estudyante dahil maaga pa. It's still six in the morning. Napaaga lang ako ng konti para ipaghanda yung mga kakailanganin namin sa presentation mamaya.
Labing sampu pa lang kaming nandito. Pinagmasdan ko ang mga kaklase kong nag kukumpulan. Nahagip ng mata ko ang isang lalaki na nakaupo lang sa isang silya. He look so lonely. His name's Gray. We never had a interaction before but I'm aware na kaklase ko siya.
He's always lonely at tingin ko pa ay masungit. Minsan ko lang siya napapansin dahil most of the time ay hindi siya dito namamalagi sa room namin. Pansin kong may pinagkaka-abalahan siya sa likod ng library. Minsan ko na syang nakitang pumasok sa isang silid sa likod ng library. He's up to something interesting. I guess.
Hindi ko namalayan na ilang minuto na pala akong naka tingin sa kanya kaya naman ay napatingin din siya sa 'kin. Nag papangalumbaba ako nang nakita ko ang mukha nyang nagtataka. Umiwas ako ng tingin dahil naasiwa ako sa mukha niya nang tumingin siya sakin. He have that angelic face, huh.
Sumulyap ako sa kanya at napatigil nang nakita kong nakatingin pa rin siya sakin. Tumaas ang kilay niya na para bang tinatanong kung bakit ako nakatingin sa kanya kanina. Umiwas agad siya ng tingin.
Umiwas na din ako ng tingin nang napansin kong unti unti nang dumami ang mga estudyante.
--
Chapter 1
Start from the beginning
