Chapter 1

2 0 0
                                        

Pinagmasdan ko ang professor namin sa Law habang nag di-distribute ito ng exam papers namin. Kaka-take lang namin ng exam last week at ngayon na ang bigayan ng gradings kaya naman ay kabang-kaba ako sa makukuha kong marka.

My dad's always been so strict with my grades. Kailangan talagang wala akong makuha na line of 7 dahil malalagot ako kapag meron, kaya kailangan talagang tutok ako sa pag aaral. Kahit kumakain ay may kaharap akong libro o di kaya ay laptop. I sound neird, but no, I'm not.

Isang napakalaking kahihiyan para sa pamilya ko kapag nalaman ng mga business partners nila na nagkaroon ako ng mababang grades. Ganoon naman lagi eh, they wanted a perfect daughter, they wanted a daughter with a perfect grades. Every person always has their own flaws, I can't be perfect like what they want.

Natigil lang ako sa pag-iisip ng pinasa na sa 'kin ang exam papers ko. I calmly accepted the papers and dramatically sighed.

I opened the folded paper and fakely smiled when I saw my grades. I passed.

I passed, but why does it seems like I'm not happy at all?

"Akala ko talaga wala akong makukuha." I heard my classmates chattering.

"Okay na 'to. Lahat naman tayo bagsak." one of them answered.

"Not until Trishna still exist. For sure pasado 'yan." Napatigil ako ng narinig ko ang pangalan ko.

Napatingin ako sa gawi nila at nakita kong napasulyap din pala sila sa 'kin. I rolled my eyes at nag iwas nalang ng tingin.

Bumalik sa harap ang professor. Natahimik ang klase at nagsi-ayos ng upo ang iba.

"Am I disappointed?" tanong ng professor. "Probably. Ilang semester nalang ga-graduate na kayo pero nabibilang ko pa rin ng mga pumasa. What's happening with this section?" pagalit na wika nito.

Bumuntong hininga ako kaya't napansin ako nito. Tinuro nya ako. "Why don't you all use Trishna as your motivation? She's always on top of the game, walang bagsak this whole semester. Gayahin nyo siya para naman kahit papano ay may ipagmamalaki ang mga magulang ninyo!"

I shrugged. Ganito lagi ang eksena ng klase kapag oras na ng grading. I don't like their way of appreciating my grades, palaging may kasamang pag-dodown sa iba.

"Dismiss. Kakausapin ko ang mga bagsak mamaya." medyo galit pa ring tugon ng professer. We nodded.

Niligpit ko ang mga gamit kong nagkalat sa arm-chair at sinabit ang bag sa balikat nang matapos.

Lumapit sa 'kin si Wybie, kaklase ko.

"Trishna! Anong nakuha mo?" Nakangiti pa nyang tanong. 'Di kami masyadong close nito pero I consider her as a friend. I don't have a lot of friends kasi 'di ako namamansin o kaya naman minsan ay wala ako sa mood para mamansin.

"Like the usual." I answered.

Sumimangot naman siya. "Sabagay, palagi ka namang pasado." she smirked.

I smiled. "How's yours?" I asked. Medyo may katalinuhan din si Wybie pero kumpara sa 'kin ay mas mautak ako.

"I failed! I know I mostly get low grades but this semester is different. Ilang sem nalang, graduating na tayo sa high school, kaya ay kailangan ko na talagang mag seryoso." nakasimangot nyang tugon.

"Okay lang 'yan. Need lang talaga ng grabehang pag-aaral." I consoled her.

Ngumiti siya ng bahagya. "By the way! Papalapit na ang School Festival. May napili ka na bang club na sasalihan? I can get you in my club if you want!" Excited nyang wika.

"Really? What kind of club is it?"

"Sculpture club. Although, I don't think you're fond of it. Konti pa lang ang members since medyo malayo pa." she answered.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 Write Your OwnWhere stories live. Discover now