"Miss okay ka lang?" I turned my head facing the girl on my right side. Natigilan ako dahil sa tanong ng babae. "O-oo naman." I answered though medyo nagtatakha ko bakit bigla akong kinausap ng babae sa tabi ko. She smiled at me na may pagka weirdo. But my concern is this guy—"Nasaan na 'yung lalaki?" Ibinalik ko ang tingin ko sa babae para sana itanong sa kanya kung nakita nya 'yung lalaking kausap ko kanina but it's too late dahil naka red na pala ang stoplight, kaya nagtatawidan na din ang mga tao.

Hindi ko maalis sa isip ko 'yung lalaking nakita ko kanina. Posible kayang multo sya? Oh no! Of course not, wala naman akong third eye kaya imposible—"Ikaw 'yun!" Just as I thought! Nasa harap ko ngayon ang lalaking nakita ko kanina. "Sabi na hindi ka multo eh!" Pero tulad ng kanina, lumingon ulit sya sa kaliwa't kanan nya bago nya ulit ako tinitigan ng nakakunot ang noo. "Ako ba kausap mo?" Tanong nya.

"May iba pa ba akong kausap?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin sya sa mga tao sa paligid naming dalawa kaya napatingin din ako. And some are staring at me with their weirdest look. Okay ako na eskandalosa.

"Tingin ko dapat doon tayo." Suggest nya kaya lumingon ako sa kanya. Mukha naman syang mabait kaya sumunod ako sa kanya na naglalakad palayo. Tahimik ako habang naglalakad kaming dalawa pero pasulyap-sulyap ako sa kanya. "Anong pangalan mo?" Tanong ko out of nowhere.

"Dred." Tipid na sagot nya. "Salamat nga pala kanina." Dugtong pa nya, kaya ngumiti naman ako. Marunong naman pala magpasalamat eh. "Wag ka kasing tawid ng tawid, madami ng namatay dyan." Paalala ko pero tinawanan nya lang ako. "May sinusundan kasi ako." Tumigil ako sa paglalakad nung makakita ako ng isang establishment na may nakapost na job vacancies.

Agad kong dinukot ang cellphone ko sa bulsa ng pants para i-save ang number na nakalagay sa isang bond paper na tinititigan ko.

"Housemaid?" Sabi nya. Kaya tinignan ko ang trabaho. Leche! Housemaid pala ang kailangan nito. Mas lalong hindi ako pwede dito dahil malamang sa umaga gising.

"Mag-aapply kang housemaid?" Tanong nya sa'kin.

Dinelete ko agad ang sinave kong number. No way in hell! "Hindi 'no. Hindi ko kasi agad nabasa. Hindi ako pwedeng mag-apply na katulong. Baka balibagin ako ng amo ko pag tanghali na tulog pa ako."

Tumawa sya kaya ipinagpatuloy ko sinasabi ko. Baka akalain nya kasi tatamad-tamad ako eh hindi naman. "Hindi kasi ako sanay na gising sa umaga, kaya naghahanap ako ng trabaho na panggabi."

Tumigil sya sa pagtawa saka tumingin sa'kin. "Bakit hindi ka na lang sa bahay namin magtrabaho?"

"Huh?" Ang kulit din nitong taong 'to. Sabi ng hindi ako pwedeng—

"Naghahanap si papa ng secretary."

"Naku hindi nga ako pwede pag uma—"

"Nocturnal ang papa." Nakangiting sabi nya.

Sossy ha. Papa with accent pa talaga. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Hindi sya nakabihis na pang-mayaman pero to be honest, mukha ngang mayaman sya dahil sa itsura nya. "Uhm okay." Sagot ko.



**

"Sigurado ka bang hindi tayo naliligaw?" Tanong ko kay Dred. Parang tatlong oras na kaming naglalakad dito, at hindi ko alam na may ganito pa lang lugar. Ngumiti lang sya sa'kin saka kami nagpatuloy sa paglalakad. Sa madaling salita, kung sa kanila ako magtatrabaho, araw-araw ganitong kalayo ang lalakarin ko?

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon