Part 5

1 0 0
                                    

"Sir may gusto sana akong malaman"binaba ko ang cup sa center table.

"Sinabi na ba ng kuya mo?"

"So totoo ngang nag Almarion University ka?"

"You don't really remember anything"

"Kasi-"

"Yeah I know I change myself, mas pumogi at mas naging hot right?"yung way niya nagpakakasabi may yabang na ang sarap kaltukan eh.

"Hindi ko po matandaan eh pwede po bang ikuwento nyo na lang sa akin?"

Napatayo si sir and I was surprised by his action.

He was standing in front of me, holding my cheek and caressing it like a lover who expressing his love through his touch.

"Can you let me kiss your lips?"

Hindi ako sumagot bagkus pinikit ko ang mata ko at hinanda ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.

-Bakit hindi ka nagpaparamdam?

Tanong ko kay JC noong nakita ko siya sa isang mall kasama ang iba niyang kaibigan.

-Wala.

Tipid niyang sagot.

Hindi ko na rin alam ang sasabihin pa dahil ayaw ko naman magsabi ng loob ko dahil baka pinaglaruan niya lang ako. Ngumiti lang ako at saka lumakad palayo.

Pero sa labas ng mall nahabol niya ako at kinausap.

-I really like you but sabi kasi ng kuya mo masyado pa tayong bata at lalo na ikaw and....

-At?

-Natatakot ako sa sasabihin ni papa kapag nalaman nilang may gusto ako sa kagaya mo.

Kagaya mo..............paulit-ulit iyong umalingawngaw ngunit pinilit kong isara na ang butas ng tenga sa loob ng isip upang hindi na marinig iyon.

-Ga-ganoon ba? Sorry din kasi akala ko, pero okay lang kala ko kasi gaya ng sabi mo sa akin hintayin mo akong maging eighteen years old para ligawan, sorry po hehehehe sige wala na ito bata pa naman ako eh di ba at hindi ka pa rin naman ganoon katanda makakakita ka din ng bagay sayo na babae.

-Sorry Zong but I truly like you and you are also my first kiss alam mo gusto ko yun pero hindi pa siguro ako handa.

-Ayos lang po sige na nakabili na ako ng materials ko alis na ako baka pagalitan ako ni kuya kapag masyado akong nagtagal dito.

At mula noong oras na iyon wala ng ni anumang komunikasyon at pagkakataon nagkita kami.

Hindi naman sa naging madrama ako sa buhay, bagkus buong buhay ko ng high school bahay-eskuwela, eskuwel-bahay ganoon lang dahil wala naman akong magagalaan at sobrang pera para doon nahihiya din ako kay kuya kasi nag-aaral din siya, may taon ngang natitigil siya sa college dahil kailangan mag-ipon ulit dahil mahirap nga naman para sa isang binata na sinusuportahan ang sarili sa college tapos binubuhay din ang nakakabatang kapatid. Korny man ang tingin ng mga kaklase ko sa akin kasi hindi ako sumasama sa gala at outing pero okay lang naman ako nakakahiya kasi kay kuya hindi man lang niya ganoon naenjoy ang pagiging binata, pero you know what hindi ko yun naramdaman kay kuya sabi nga niya "Zong okay lang si kuya ang mahalaga ikaw makatapos ka, walang sakit, malusog at nakakain ng maayos hindi baleng mahirapan si kuya sa work basta itong baby brother ko okay na okay mahal na mahal ka ni kuya Zong ikaw na lang kasi ang pamilya ko kaya lahat gagawin ni kuya para sayo and hayaan mo kapag nakatapos si kuya sa pag-aaral bubuti na lagay ng buhay natin"para akong batang paslit noon na ngumalngal dama ko kasi ang paghihirap ni kuya pero mas dama ko yung pagmamahal niya.

You are my first and everythingWhere stories live. Discover now