" Hindi ka papansinin niyan " niligpit ko na yung mga libro ko, hinihintay nalang namin yung adviser namin na madalas may mga last words bago kami pauwiin.

" Magkaklase na kayo pero di ka niya pinapansin ang ganda mo naman!  "siya na tila nagtaka, natawa naman ako ang kulit talaga nitong bestfriend ko.

" Gagraduate ka ng di man lang nakakausap ang crush mo ng matagalan! naku bessy kawawa naman ang beauty mo! " ang kulit niya, nagsisi na tuloy akong nasabi ko sakanya na magboboyfriend lang ako kung si Shin, pero joke lang yun dahil magmamadre ako nuh, pero crush ko siya slight. *u*

" Tumigil ka nga marinig ka ng mga kaklase natin! " saway ko sakanya, ang ingay talaga ng klase namin pag mag-uuwian na, kanya-kanyang topic at chismisan. Hindi ko naman sinasadya napatingin nalang ako basta kay Shin, nakakalumbaba siya at nakatingin sa labas, ang guwapo niyang tignan sa last chair ng row 1.

Maraming nagkakagusto sakanya, yung tipong mala-artista siya kapag nandiyan at nagkakagulo ang mga babae. Kahit yata di siya namamansin okay lang sa mga babae, hindi naman masama ang ugali niya para lang siyang may sariling mundo kahit noon but then, matalino siya top 1 nga namin siya and candidate na siya for Valedictorian, balita ko sa ibang school na siya magaaral ng senior high, ako naman hindi ko alam kung magtutuloy pa'ko still kasi wala padin sinasabi ang tagasilbi ko na ipinadala ng umampon sakin, ganoon padin kaya siya kumikinang parin sa kaguwapuhan? *u*

Tumahimik, kaya umayos ako ng upo at tumingin sa unahan. Nandoon na si Mrs. Chanyeol. May hawak siyang pulang box hanggang makarating siya sa desk niya.

" Okay, listen dahil sakto naman kayo sa bilang, twenty  boys and twenty girls ang mga girls nalang ang bubunot kung sino ang magiging partner nila. So, nasa loob ng box na'to " tinaas niya yung red box " ang pangalan ng mga lalaki niyong classmate " si Mam, inilagay niya sa row 1 ang box para ipasa hanggang makarating sa dulo " sabay-sabay ang pagbubukas " nakabunot na sila hanggang makarating sakin at sa pinakadulo, nahahati kami sa three rows.

Alam ko marami sakanila yung gustong makapartner si Shin, ako? *u* bakit hindi!

" Okay, buksan niyo na " si Mam, sabay-sabay naman namin binukas yung naka roll na maliit na color blue na papel at halos mamula ako ng husto ng makita ko kung sino "  Shin Crescent " siniko ako ni Kaye na ikinabigla ko,

" huist ! sino daw yan loka! " si Kaye sa tabi ko, napatingin ako sa paligid, lahat sila nakatingin sakin maliban kay Shin. Lalo akong kinabahan.

" Miss Heartfilia? " untag ni Mam, kinuha naman sakin ni Kaye yung papel ko at siya na ang nagbasa, gusto ko siyang sabunutan sa ginawa niya nakakahiya.

" Shin Crescent! " ani Kaye na tila gulat pa, narinig ko yung pagkainggit nila na sana sila nalang, oh sige sila nalang ayoko ng ganito.>< 

"Shin? " si Mam, napatingin tuloy ako kay Shin na nakatitig nadin sakin at ngumiti , ang unang beses na nginitian niya ko hala siya! >< kinikilig ba'ko, diba magmamadre ako. erase, erase!

"  I don't know how to approach him, nahihiya ako sakanya. Hindi naman ako komportable makipagusap sa lalaki, nahihiya ako " Naglalakad kami palabas ng school ni Kaye,

Pure blood Series 4: Adopted by the Vampire King!Where stories live. Discover now