" Darating na yung huling bisita natin na mag aampon " si Kyla sa mga kasamahan sa malking kuwarto na may tatlumpung doubledeck na higaan. Naglalaro sa apat hanggang sampu ang edad ng mga bata, agad namang bumaba sa taas na higaan ang mga bata at nagtipon-tipon sa baba.

"Mamiss kita" si Mia sa kaybigang si Nicole, magkakahiwa-hiwalay na silang lahat. Nakakalungkot kaya hindi niya napigil maiyak na naging dahilan para mag-iyakan ang mga ito. Ang SRoL ang tahanan nila, kung maampon sila dito sila babalik pagdating ng araw, ngunit paano na mangyayari yun kung ang ampunan na iyon ay nalalapit nang tayuan ng ibang gusali.

" Mga bata, halina kayo " si Sister Jenny na bumungad sa bukas na pintuan, namamaga rin ang mata nito at halatang umiyak ng husto.

Nicole's POV

Isang buwan nalang ang palugit namin, umaasa na sana sa isang buwan na iyon may maampon na samin para magkaroon na ng pamilya bago pa man kami magkahiwa-hiwalay. Isang magarang sasakyan ang huminto, lahat kami nakahanay para abangan kung sino ba ang aampunin nito.  

Pumayag na'kong pagpilian sa mga aampunin, si Mother Superior nakangiti siya sa bisita namin na ikinamangha namin. Tila siya isang prinsipe na nagniningning, may kasama siyang dalawa pang lalaki at nakatitig lang ako sakanya. Nagkatitigan kaming dalawa at bigla nginitian niya ko, kaya sinuklian ko rin siya ng ngiti.

" Siya ang gusto ko " turo niya sakin na ikinagulat ko, 

" Magmamadre po ako! " mabilis kong sagot na ikinangiti niya lalo.

" As I said kung may mapipili ako sakanila handa akong tumulong Mother Superior , yun lang hindi ako gusto ng napili ko " ngiti niya, tinignan ako ni Mother Superior na parang nakikiusap, kaya ngumiti nalang ako kung para sa di pagkakahiwa-hiwalay naming magkakaybigan at tuluyang pagkawala ng ampunan na nagsilbing tahanan ko sa loob ng tatlong taon.

Lumakad ako palapit sa lalaking iyon , isa siyang pinagpalang nilalang sa pisikal na anyo. " Salamat sa pagpili , makakaasa kayo na hindi ako magiging pasaway. " tumungo ako sakanya.

"Hindi kita dadalhin , kapag pinapasundo kita kailangan lang na pumunta ka ng walang kahit anong dahilan. May tamang oras, panahon sa pagsasama natin " ngiti niya, hindi ko siya maintindihan pero kinatuwa ko ng husto na hindi ako aalis sa loo ng ampunan.

" Kayo ng bahala sakanya, ako na ang bahala sa lahat. " ngiti niya, bago tuluyang umalis.

        Sa sinabi niya natuwa ako, hindi niya ko balak isama. Napakabuti niya, sana lahat ng tao ay katulad niya. Hindi ko siya tinatawag na Ama, masyado siyang bata para doon. Pinag-aral niya ko sa isang sikat na eskwelahan at sinuportahan lahat ng pangangailangan ko, hindi naman siya nagpapakita sakin.

 Nicole Shine POV 

" Crush na crush ko talaga siya bhe! " kinikilig na naman tong si Kaye at ang siste! naupo pa talaga sa ibabaw ng desk ko! nagpapacute na naman siya sa loner na si Shin, infairness naman ang guwapo niya talaga. Highschool na kami at magkaklase padin, umm since elementary were classmate na but we never had the chance to talk, medyo aloof kasi siya. Break time, Lunch break hindi ko siya nakikita sa room lang talaga. 

Pure blood Series 4: Adopted by the Vampire King!Where stories live. Discover now