Chapter 6

9 0 0
                                        

Nagpapahinga si Charity sa kanyang kwarto. Nang aabutin niya ang baso ng juice sa kanyang side table, namataan niya ang isang libro. Kinuha niya ito. Ito pala ang kanilang yearbook. Tinignan niya mabuti ang class picture ng kanilang section pati nadin sa ibang sections.

“nakakatawa yung itsura ni Francis ditto oh. Ang kyyuutt!!” ok, inaamin niyang may crush siya kay francis pero kakaunti lang naman dahil mabait ito sakanya pero hindi parin kayang pantayan si Nate.

Fourth Year Section 2

Section ng bestfriend niya.

Napatitig siya kay Nate.

“Teka…..”

Nate’s POV

“…Siya kaya talaga yun?” hays naguguluhan na ko ah!

Hawak ko ngayon ang isang photo album. Tinitignan ang mga litrato ni charity na kinuha ko noong highschool. Puro stolen nga lang.

Hindi ko kasi kayang humingi sa kanya ng litrato niya eh.

Torpe ako eh. Haha!

Ay oo nga pala, hindi pa ko nagpapakilala. Kanina niyo pa nababasa ang pangalan ko pero wala parin kayong ideya kung sino ako.

Nate Hernandez nga pala, anak ako ng may ari ng isa sa malalaking real estate company sa maynila. Nagta-trabaho nadin ako sa mismong kumpanya namin kahit na nagaaral pa ako para daw malaman ko na ang pasikot sikot sa aming kumpanya. Graduating na ko ng college Business Management ang course ko saSouthbridgeUniversity. Yun ang  sabi ng father ko kahit na gusto kong maging photographer. Si Charity nga ang pinag praktisan ko noon eh. Haha.

Sunod ako sa luho, wala akong kapatid eh. Pero oy! Mabait parin ako ah haha. :D at magalang akong anak. Masipag din ako at maasahan! Responsable akong anak at kahit medyo napilitan lang ako sa kursong kinuha ko medyo naguGustuhan ko narin yun

Nais ko na ngang sundan ang mga yapak ng aking ama eh!

Tsaka utang ko sa father ko ang aking “Good Looks!”

Sabi nila sa akin malayo daw ang ugali ko sa aking ina. Hindi ko naman sila maintindihan dahil sa aking alala ay maayos naman ang trato sakin ni mama pero ewan ko sabi kasi nila sakim daw ang aking ina at hindi maawain.

Hindi ko naman siya nakasama ng matagal dahil maliit palang ako, Siguro mga 5 years old palang ako iniwan na kami ng aking ina. Namatay siya sa isang car accident.

Flashback**

May pupuntahan daw kami ni mama! Kaso hindi niya sinabi sakin kung saan basta surprise nalang daw :))

“wiiiiiiiiiiieeeeeeeeee! Ang bilis mag drive ni mommy” ang sarap sa pakiramdam ng hangin “para tayong nalipad mommy!” tinignan ko siya…

Ngumiti lang siya sa akin.

“anak..” tumingin sakin si mommy.

“a…”  PEEP PEEP!! Isang malakas na busina. Halatang nagulat si mama. hindi na niya nasabi ang sasabihin niya bigla nalang niya akong niyakap. Pinikit ko ang mata ko sa takot.

PEEP! AAAAAAHHHHHHHHHHHHH! BBOOOMMM!

Nagising nalang ako ng may mga tao na sa paligid, may mga ambulansya at mga pulis.

Anong meron?!

Nasa loob pala ako ng isa pang ambulansya.

May mga galos ako pero hindi malala.

Tinignan ko kung anong nangyayari.

May dalawang kotseng nagbanggaan. Grabe yung sira ng isang kotse. At yung isa..

Teka, kotse namin yun ah! Bigla kong naalala yung nangyari bago ako pumikit.

‘Nasan si mommy?” napatingin sakin ang isang Babaeng nurse.

Dinala niya ko sa isang ambulansya. Nakita ko si mama. Wala na siya. May sugat siya sa ulo, malaki. Hindi ko na napigilan mapaiyak naisip ko na niyakap niya ko para hindi ako masugatan.

“mommy? Hindi ba may sasabihin ka pa sakin? Mommy, wake up! Please mommy.”

Niyakap ko siya

Nakarinig ako ng isang malakas na sigaw

“Oxygen! Faster! Buhay pa tong bata!”

Napatingin ako sa kotseng grabe ang sira. May batang babae nilabas wala siyang malay pero may sugat din siya sa ulo.

Sunod nilang nilabas ang isa pang babae. Nanay ata ito nung bata. Sumunod ang isang lalaki, ito ata ang tatay niya. Grabe yung nangyari sa lalaki. Nakakalungkot pero patay na daw sila. Kawawa naman yung bata pag gising niya wala na siyang magulang.

**End of Flashback

Sa burol ng mommy ko konti lang ang dumating. Halos puro kamag anak. May mga naririnnig ako na nagsasabing yan daw ang dapat sa mommy ko dahil masama daw ang ugali yung iba nga daw halos magpa-party sa tuwa. Kapag nakakarinig ako ng ganoon sinisigawan ko sila!

Galit na galit ako sa mga naririnig ko. hindi ba nila alam na niligtas ako ng mommy ko? ganun kabait ang mommy ko ganun niya ko kamahal!

Hay kung alam lang nila.

Comment, Like, Vote! :)))

Oh ayan kilala na natin si Mr. Nate Hernandez. Infairness ha si Charity ang ginawang model sa pagpa-practice niyang maging photographer! Yun nga lang hindi alam ni Charity. Sundan pa ang Love story nilang dalawa. :)

Forevermore (Until the End My Secret Love)Where stories live. Discover now