✓Celestial princess✓

5 2 0
                                        

May isang babae na pagod na pagod na sa kanyang paglalakbay.

"Nakakapagod naman" sobrang pagod na talaga ako,kanina pa kasi ako naglalakbay meron kasi akong dapat puntahang bayan dahil may kaylangan ako doon

Habang naglalakad ako ay may nakita akong isang bayan

"Ito na siguro ang bayan ng mga salamangkero" sabay tingin ko sa mapang dala ko

"Ito na nga!sawakas nakarating din!" Masayang sigaw ko kaya napatingin saakin ang mga salamangkerong nakatira dito

Sa sobrang hiya ko ay nakayuko na akong mag lakad, alam kong nagtataka sila kong sino ako base narin sa suot kong damit dahil ang suot kong damit ay mala prinsesa ng ibang mundo hahaha taga ibang mundo naman talaga ako

Doon ako nakatira sa mundo ng nga celestial spirit dahil ako ang prinsesa doon,meron lamang akong mission dito sa kanilang mundo yun ay ang hanapin ko ang mga susi ko at mamuhay din dito at meron din daw akong mahalagang misyon ngunit hindi saakin sinabe ni ama

Ito ang ipinag utos saakin ng aking amang hari na hanapin ko ang aking mga susi at ang manirahan dito at isang mahalagang misyon na hindi ko alam

Habang naglalakad ako ay may nabunggo ako

"Aray" daing ng nakabunggo ko

"Paumanhin po hindi ko ho sinasadya" hinging paumanhin ko dito at tinulungang tumayo ito

"Ay hindi ayus lang naman hindi naman masyadong masakit,ikaw ba ayus kalang ba?"

"Oo ayus lamang ako" nakangiti kong turan dito,,,ang danda nya meron syang kulay pulang buhok na hanggang bewang, maputing balat mapupulang labi at magandang hugis ng katawan

"Mukhang hindi ka taga dito ah, base narin kasi sa pananamit at pag sasalita mo eh heheeh"

"Hindi ho ako taga dito,meron lamang ho akong misyon dito" nakangiti kong turan dito

"Ah ganun ba halika sumama ka muna saakin dadalhin kita doon sa guild namin" tumango na lamang ako sa kanyang sinabe

Habang naglalakad kami ay nag tanong ako

"Ano nga pala ang iyong ngalan?"

"Ako si ella mhacarte,ikaw anong pangalan mo?"

"Ako si lucy mae heartfilia"nakangiti kong turan dito

"Ang ganda naman ng pangalan mo pang prinsesa" natutuwang ani nito saakin ngumuti lamang ako

Hindi ko maaring sabihin sakanila ang katayuan ko sa buhay

"Hindi ba ika'y isang salamangkero kung din ganoon ano ang iyong mahika?" Tanong ko sakanya

"Ako ay isang summoning weapon, ikaw ano ang mahika mo?"

"Ako ay isang celestial"nakangiti kong turan,,,sya'y biglang nabigla

"Isa kang celestial?"gulat na turan nito tumangong nakangito lamang ako

"Napakalakas ng iyong mahika,,,nasan pala ang nga susi mo?"

"Yung nga ang aking misyon dito ang hanapin ko ang aking mga susi"

"Ayy nandito na pala tayo sa guild namin" nakangiting turan nito at nakakita ako ng isang guild house

"Halika tara sumama ka saakin sa loob" hinatak na ako nito papasok

Pagpasok namin ay bumungad saakin ang maiingay na tao rito

Napatingin silang lahat saamin lalo na saakin kaya naiilang ako

"Oh ella nakabalika kana pala galing sa iyong misyon,sino pala itong magandang babaeng kasama mo?" nakangiting turan ng isang babaeng lumapit dito saamin at tumingin saakin habang naka ngiti,mabait sya.

"Celestial Princess"Where stories live. Discover now