Sa ordinaryong araw nagkaroon ng pag-uusap ang mga magkakaibigan patungkol sa kung ano ang nais nilang maging sa pagtanda nila.
"Gusto kong maging Doktor na manggamot sa may sakit katulad ni nanay Esme ko." Masayang sabi ni Marie,
"Gusto kong maging Engineer na magdidesenyo ng mga bahay ninyo katulad ni nanay." Sabi ni Sarah.
"Gusto kong maging Sundalo upang protektahan ang ating bayan katulad ni Lola Beth." Sambit ni Kyla.
"Gusto kong maging Guro at maging kasing tapang ni Lola Daisy" pagyayabang ng isang bata na nagngangalang Anika sa kanyang mga kaibigan.
"Diba panglalaki yung trabaho na sinabi niyo Sarah at Kyla? Pwede ka ba non?" Tanong ni Marie.
"Oo naman, pwede yun." Pagtatanggol ni Anika.
"Alam niyo ba kung hindi dahil kina lola hanggang ngayon tayong mga babae ay wala pa ring kalayaan." pagtutuloy niya.
"Anong kalayaan naman ang tinutukoy mo Anika?" tanong ng kaibigan niya na si Marie.
"Kalayaan, katulad ng mga gawain na nagagawa na ng ating mga nanay, kapatid, kalayaan na magtrabaho sa kahit anong propesyon na gusto natin katulad ng gusto nina Sarah at Kyla." paliwanag ni Anika.
Sa di kalayuan ng bakuran, nakatanaw sa labas ng bahay ang isang matandang babae.
"Anika, Pumasok muna kayo dito sa bahay at mag meryenda muna kayo ng mga kaibigan mo." pagpuputol ng isang matandang babae na nagngangalang Lola Daisy ang lola ni Anika."
Agad namang pumasok sa bahay sina Anika at ng kanyang mga kaibigan ngunit namasid ni Lola Daisy na bakas ang kuryosidad sa mata ng mga kaibigan ni Anika.
"Mga apo, gusto niyo din bang malaman ang kinuwento ko kay Anika?" tanong ni Lola Daisy.
"Opo lola! maari nyo po bang ikwento samin?" tanong ng magkakaibigan na para bang namamangha.
Sa paglapit ni Lola Daisy sa magkakaibigan, inabot niya sa mga magkakaibigan ang isang Photo Album na naglalaman ng mga litrato ang kanyang mga karanasan pati na rin ang kanyang mga kasama at umupo rin kasama nina Anika.
****
Maraming salamat sa pagbasa sa aking likha.
Nawa'y iyo'y itong nagustuhan, at magliban nalang ng isang bagasak na Like, Vote, Comments para mas mapaganda pa ang akin likha.
Maari ninyo akong sundan sa aking social media.
Sa twitter : 🐦
@mintgreen_mewii
Sa Instagram : 📷
@me_mewiiiirl
Hanggang sa muli, paalam.
🌸omewiiiirl
KAMU SEDANG MEMBACA
Ang Kwento Ni Lola Daisy
Fiksi SejarahKalayaan, yan ang hinahangad noon ng mga kababaihan. Nagsimulang magkwento si Lola Daisy sa kanyang mga karanasan bago natin nakamit ang kalayaan. Disclaimer Alert!!! This is a fictional work. Unless otherwise stated, all names, people, businesses...