CHAPTER 36

1.4K 173 6
                                    

Frances'POV


Kakarating lang namin sa beach ngayon. Wala naman kaming dala kundi ang dalawang bola ng volleyball lang. Halos lahat din ay nakatwo piece maliban kay Gabo at Jaydee na walang dala na ganun.


"Paghihiwalayin natin ang mga couples ngayon, nakagawa na ako ng two teams." Panimula ni ate Abby at nagsitanguan naman sila.

"Team Abby and Team Sela. We are your team captains." Saad pa ulit ni Ate Abby.

"Ang mga nasa team ko ay si Lara, Gabo, Jaydee at Amy." Dagdag pa nito. Ang powerful ng team nila andaya. Lahat sila matatangkad except kay Jaydee HAHAHAA.

"Ang nasa team ko naman ay sina Aubrey, Ella, Laney at Frances." Saad naman ni ate Sela at hinatak na kami.

"Lugi kami, ang liit ni ate Brei." Natatawang saad ko naman pero pabiro lang, sinamaan naman ako ng tingin ni Ate Brei.

"Maliit din naman si Jaydee, quits lang yan." Sabat naman ni Ate Lara kaya mas lalong nagtawanan silang lahat.

"Grabe yun ate Lara, di naman masakit." Jaydee said at nagpout pa, cute talaga ng loml ko

"Okay lang yan baby, pogi ka naman eh." I said at nagwink pa.

"Magsimula na tayo, tama na harot HAHAHA." Ate Brei said.

Nagsimula na ang laro. First 10 minutes palang tinambakan na agad kami nila ate Abby. 13-7, 6 points agad ang naiambag ni Jaydee sa team nila, grabe.

"Timeout muna!" Sigaw naman ni ate Sela, nagkumpulan ang magkakateam, kitang-kita ko naman na sobrang saya ng kabilang team.


"Ang daya, nakalimutan kong Varsity pala 'tong si Jaydee nung highschool." Iritang sabi naman ni Laney. Varsity pala siya? Bakit hindi ko alam yun?


"Oo nga, MVP pala 'tong si Jaydee nung highschool kayo." saad naman ni ate Sela. Napakagaling pala talagang maglaro ni Jaydee kung nag MVP siya noon, bakit kaya hindi niya tinuloy ang pagvovolleyball?

"Tuloy na natin, bawi tayo HAHAHA" Saad naman ni Ate Sela at nagbalik na kami laro.

Nag Tie pa ang laro namin ng 18-18 pero nabawi rin agad nila Jaydee, nanalo sila with 25-21 score. Jaydee got 12 points, grabe!

"Nice game girls!" Sigaw naman ni ate Abby at nagpalakpakan pa sila. Hindi masyadong uso samin ang pikon, masyado yata kaming sporty para ron.

"Lakas ni Jaydee, 12 points amp, pwede na ba kitang iuwi?" Biro naman ni Ate Brei kaya agad akong lumapit kay Jaydee

"Sorry ate, pero mine na 'to." Saad ko naman at inirapan lang ako ni Ate Brei.

"So girls you have 45 minutes to fix your things and to rest, 10am, aalis na tayo papunta Immuki Island." Saad naman ni Ate Abby. Para na siyang tour guide hehe, pero siya kasi ang pinakamatanda saming lahat kaya siya ang nag-aasikaso ng ibang stuffs.


Bumalik na kami sa Mansion ni Jaydee at nagpahinga, nagpatong lang ako ng oversized shirt dahil itong two piece na rin ang susuotin ko mamaya.
Sabay kaming umakyat ng kwarto at nag ayos ng pamalit namin mamaya.

"Luv, itong white dress nalang ang pamalit ko mamaya, okay lang ba?" Tanong ko naman sakanya at tumango naman ito.

"I'm sure na bagay sayo yan, wifeeyy. Lahat naman ata bagay sayo pero ako parin yung pinakabagay." She said at nagwink pa. Uhh--- my face is heating up-- di mo mapagkakaila na kinikilig ako.

FOOL FOR YOUWhere stories live. Discover now