"Ready na ba ang lahat?"

I checked my luggage and I nodded after I saw my things inside. "Wala nang kulang sa'kin," I said to Benj.

"Sa akin din, kumpleto na ako," sagot ni Jerome.

"Powta! Excited na ako! See you latuuuh New York!" Nag flying kiss si Shana sa langit.

Napangiti ako at tinignan si Ethan. "Are you sure na sasama ka sa amin? How about your sister?" I asked. Nag-aalala lang ako.

"Don't worry. She learned from her mistakes. Hindi na matigas ang ulo no'n kaya alam kong kaya na niyang mag-isa," sagot niya kaya tumango na lang ako.

"Nandito na ang van. Tara na," ani Benj kaya huminga na ako nang malalim.

I have a walk in New York and that's Dior Womenswear. Tinanggap ko na dahil may another offer.

Pagkatapos kong makalabas sa kulungan ay nagsorry ako sa lahat. Ang dami kasing media kaya pinaliwanag ko sa kanila ang nangyari. Hindi man lahat pero alam kong naintindihan nila ako.

Nauna nang pumasok si Jerome, Shana at Benj. I was about to get inside but someone suddenly called my name.

"Chayenne..."

Napalingon ako sa gilid sa 'di kalayuan at nakita kong nakatayo si Margaux. She bit her lower lip.

"Why?" I asked in a calm tone.

"C-can we... can we talk?"

Hindi ko alam kung tungkol saan ang sasabihin niya. Tinignan ko si Benj. "Hindi ako magtatagal," sabi ko.

He rolled his eyes and nodded. Tinignan ko si Ethan. "Pumasok ka na, Ethan." Nginitian ko siya.

"Okay..." aniya kaya sinarado ko na ang pinto ng van.

Tinignan ko si Margaux at lumapit sa kanya. "About what, Margaux?" I seriously asked.

Nagulat ako nang hinawakan niya ang isang kamay ko. "I'm... I'm sorry," seryosong sambit niya na mas ikinagulat ko. "I'm really sorry and I mean it."

I was just staring at her. Nakilala ko siya na mataas ang pride kaya hindi ko inaasahan na magsosorry siya sa akin.

"Sorry for what?" I asked.

"For everything... I'm sorry. I was the one who spread about your relationship with Ice. That you two were dating. Nasira ko ang relasyon niyo dahil sa ginawa ko. I'm sorry. Pati sa pananakit ko sa'yo, sa lahat-lahat ng nagawa kong mali... I'm really, really sorry, Chayenne." Napayuko siya.

Napangiti ako at ipinatong ang isa kong kamay sa kamay niya. "Alright. Apology accepted. Don't cry, Margaux. Maraming makakakita sa'yo," sambit ko.

Tumingin siya sa akin. "I'm sorry, Yen," pag-uulit niya.

Tumango ako. "You are forgiven, Margaux. I am now okay." I smiled.

"I hope we can be friends, Yen. I know I've been a bad bitch—"

"Sure. Let's be friends but wait for me. I need to go to New York. I'll see you again soon," I said.

Pinahid niya ang mga luha niya at ngumiti. She then nodded. "Yeah, susunduin kita sa airport pag-uwi mo." Tumawa siya kaya tumawa na rin ako.

"I have to go, Margaux. Baka mahuli kami sa flight," sabi ko kaya binitawan na niya ako.

"Take care, Yen..."

"You, too. Take care." Kumaway ako sa kanya kaya kumaway din siya sa akin. Pagkatapos ay tinalikuran ko na siya at pumasok sa van.

"Anyare?" Shana asked.

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon