Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may pumana sa kamay ni Jonathan kung saan hawak niya ang kutsilyo. Nabitawan niya si Daddy dahil sa sakit ng pagpana sa kanya kaya mabilis kong tinulak ang isang pulis at tumakbo papasok sa loob.

"Dad!" sigaw ko habang tumatakbo kaya tumakbo rin siya.

Naririnig ko ang paghiyaw ni Jonathan dahil sa sakit pero napatigil ako nang makita kung anong ginagawa niya.

Nanlamig ako. Parang tumigil ang mundo ko pati na ang pagtibok ng puso ko.

"Daddy!" kinakabahan kong sigaw at muling tumakbo sa gitna pero napatigil ako sa pagtakbo at napatakip ang dalawa kong palad sa bibig ko kasabay ng pagtulo ng napakaraming luha at ang pagbagsak ni Daddy dahil sa isang malakas na putok ng baril.

Nanginig ang mga labi ko nang makita ang pagluhod niya pati na ang pagtulo ng dugo mula sa bibig niya.

Mabilis na lumapit ang mga pulis at pinagbabaril si Jonathan pero tila ba naging bingi na ako.

Hindi na ako nakagalaw. Napahiga si Daddy pero napako na ako sa kinatatayuan ko.

Dahan-dahang bumagsak ang dalawang kamay ko ngunit ang luha ay hindi pa rin tumitigil sa pagbagsak.

"D-dad..." mahinang mahinang usal ko.

Nagsimula akong maglakad nang mabagal palapit sa kanya. Habang papalapit ako ay mas lalong sumasakit ang puso ko.

Dahan-dahan akong umupo at inilagay siya sa hita ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahaplos ang mukha niya.

"D-diyos ko..." mahinang bulong ko at niyakap siya. "D-daddy..." Walang hagulgol na lumalabas... tanging mahihinang paghikbi lang.

Mahigpit ko siyang niyakap pero wala na akong natanggap na yakap mula sa kanya.

Diyos ko bakit niyo ako inubos.

Tulala akong nakatingin sa lapida ni Daddy. Hindi ko na maramdaman ang mga luha ko. Galit na galit ako sa mundo. Sa lahat.

Inubos ako... walang itinira sa akin.

"Yen... it's my fault." Narinig kong sambit ni Ice sa gilid ko.

Hindi ako nagsalita.

I'm not blaming him. Siya pa nga ang tumulong sa akin dahil walang ginawa ang mga pulis. Sadyang hindi niya lang alam na may baril na dala si Jonathan.

Tinanggal ko ang dahon na lumipad sa lapida ni Daddy. Hindi ako umiiyak pero sobrang sakit ng puso ko. Sobrang lungkot.

I don't know where my tears went. Puro pakiramdam na lang ang natira sa akin. Nasasaktan ako pero wala nang luha na lumalabas mula sa mga mata ko.

Naubos na nga talaga.

"Ice... I want to be alone," mahinang sambit ko habang nakatulala sa pangalan ni Daddy.

He didn't speak but I felt his hand pat my back. Nang umalis siya ay niyakap ko ang mga tuhod ko. Ayokong tumayo rito. I want to stay with my family. Nandito si Hale, Mommy at Daddy. Nandito sila kaya ayoko silang iwan.

Being alone will make you stronger... but at the same time... being alone will kill you.

Kaya ko pa bang umusad?

Or I'm already trapped in my nightmares?

This life is a nightmare. I want someone to wake me up.

Mag-isa na lang talaga ako ngayon. Sa tuwing naaalala ko ang mga huling sinabi sa akin ni Daddy noong umaga na 'yon... nasasaktan ako.

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Where stories live. Discover now