'Before I give my heart away...'

Tears streamed down my face. I have to sacrifice my happiness in order to save him. I'm just causing him pain. Sa dinami-rami ng taong magiging anak ng rapist na 'yon... bakit ako pa...

"I love you..." bulong ko sa hangin habang iniisip ang mukha ni Ice.

Bumagsak ang katawan ko sa isang kama. Kumuha ako ng room sa isang saradong beach. Mabuti na lang at pinagbigyan ako ng matandang may-ari. Namatay kasi ang apo niya kaya sinarado niya ang beach na ito.

I stared at the ceiling.

Pagkatapos ng bakasyon na 'to... gusto ko nang magpahinga.

I'm done with my problems. I tried to find myself but I always ended up seeing myself as a murderer and a rapist's daughter.

Tumayo ako at lumabas. Naglakad-lakad ako sa dalampasigan at naaabot ng tubig dagat ang puting dress na suot ko. Hinahangin din ang buhok ko dahil sa sariwang hangin dito sa beach.

Tumigil ako at tumingin sa kalangitan. Unti-unti nang sumisikat ang araw.

"Kamusta ka?"

Napatingin ako sa matanda nang lumapit siya sa akin. She was also looking at the sunrise. Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa likod niya.

"I'm okay po—"

"Ang puso mo ba... ayos lang?"

Natigilan ako. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumingin sa alon. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.

"Noong nabubuhay pa ang apo ko ay kailanman hindi ko naitanong sa kanya kung ayos lang ba siya at ngayong wala na siya... hindi ko na matatanong lahat ng tanong na hindi ko naitanong sa kanya..."

Napayuko ako. I don't know what to say. My mind is empty.

"Nasa huli talaga ang pagsisisi. Hangga't hindi tayo nasasaktan, hindi tayo magsisisi," pagpapatuloy niya.

"Lola..." I said, not looking at her. "Ano po bang mas mahalaga? Ang protektahan ang sarili mong puso o ang protektahan ang puso ng mahal mo?" bulong ko.

Matagal bago siya sumagot. Naglakad siya kaya napatingin ako sa kanya. Sinundan ko siya.

"Palagi mong pipiliin ang sarili mo sa kahit na anong bagay, hija. Protektahan mo ang puso mo dahil paano mo poprotektahan ang puso ng taong mahal mo kung durog ka? Buuin mo muna ang puso mo, protektahan mo muna ang puso mo at mahalin mo muna ang sarili mo bago mo protektahan ang puso ng ibang tao..."

Naitikom ko ang bibig ko.

"Hindi masama ang maging makasarili... sa buhay, kailangan mo rin maging makasarili upang malaman mo kung sinong pipili sa'yo kapag pinili mo ang sarili mo," pagpapatuloy niya. "At kung walang pumili sa'yo... piliin mo ang puso mo... ikaw mismo ang pumili sa sarili mo."

Humikbi ako.

I stayed here for 1 week. Umuwi rin ako sa bahay dahil alam kong nag-aalala na si Dad sa akin. Pag-uwi na pag-uwi ko ay agad niya akong niyakap.

"Goodness, Yen! Where have you been?! I was worried about you!" he yelled.

"I took a vacation, Dad..." mahinang sagot ko habang nakatulala.

"You should've asked me to come with you!" sigaw niya ulit. "Nag-alala ako nang sobra, Yen! I couldn't even take a sleep!"

Tinignan ko siya. Wala na ako sa tamang pag-iisip. Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin.

"I'll just take a rest upstairs," I said and didn't wait for his words.

Pero napatigil ako nang magsalita ulit siya.

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Where stories live. Discover now