Napailing ako at agad silang inawat. "Ito parang aagawain ko 'yung syota niya! Kaibigan ko na nga lang 'yan!" ani Wane.

Seryosong humarap sa akin si Ice. "Ilang araw ka ro'n?" tanong niya.

"One month, Ice. Is it okay with you?" Kumapit ako sa braso niya.

"Yeah, it's okay with me." Tumango siya kaya napangiti ako.

"Talag—"

"Because I'm coming with you."

My eyes widened because of what he said. "Huh? Are you sure? You have a work here. You're the Chairman of Damian Entertainment, Ice!" sabi ko.

"Baby, I'll go with you. I'll support you there." He kissed my forehead. "I'm not coming with you because I'm possessive, I'm coming with you to support you because I'm proud of you and I'm your number one fan."

I can't help but smile. "Sigurado ka na bang sasama ka talaga?"

Tumango siya habang hinahaplos ang buhok ko. "You're my number one priority, baby."

"Oo na. Ice, paglutuan mo naman ako," singit ni Master Lee at itinaas ang paa sa sofa.

Master Lee. Siya ang nag train kay Ice na makipaglaban. Bata pa lang si Ice ay kilala na niya si Master Lee at bukod kay Mrs. Alexandra at sa akin, si Master Lee ang isa sa pinagkakatiwalaan niya.

"Can't you see? I'm with my girlfriend," Ice said, irritated.

"Aba! Aba! Ako ang master mo!"

Tumayo ako. "Ako na. I'll cook for you, boys. Just wait."

"No, you're not going to cook for these men," ani Ice at tumayo pero umiling ako.

"Sige na, Ice. Ako na..." Tinalikuran ko na sila at pumunta sa kitchen.

Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Ice pero hinayaan ko lang siya. Itinali ko ang buhok ko at habang itinatali ko 'yon ay naramdaman ko ang paglagay sa akin ni Ice ng apron. Napangiti ako.

"Are you going to watch me?" I asked him and he nodded.

"I didn't know that you're more sexy in the kitchen. God, Yen. You're perfect..." pambobola niya kaya natawa ako.

Inumpisahan ko na ang pagluluto ng buttered shrimp. Nakahalukipkip lang si Ice habang pinapanood ako.

We've been in a relationship for six months but I'm still not used to it when he stares deeply at me. Naiilang pa rin ako.

"Baby, you're trembling. Focus," he said.

"Y-yes," naiilang na sagot ko.

Natapos ang pagluluto ko at nakarinig na naman ako ng pagrereklamo kay Master Lee na hindi raw masarap pero siya ang pinakamaraming nakain sa amin.

Kinagabihan ay naglakad-lakad kami ni Ice sa village niya. He was holding my hand. Pareho kaming tahimik at pinapakiramdaman ko lang siya. Malamig ang simoy ng hangin kaya nakakarelax.

"Tell me if you want to go home, baby," he said.

"Oo, mamaya na... let's just enjoy this walk," sabi ko.

Malalim ang nasa isip ko. Iniisip ko kung hanggang saan kami ni Ice. Aaminin kong nagkakaroon kami ng pagtatalo pero nalalampasan namin 'yon. Nagkakaroon kami ng pag-aaway dahil minsan busy ako at minsan naman busy siya... and thank God because we got through it all. Malawak kasi ang pag-iisip niya. Nagagalit siya pero sandali lang, siya ang palaging nag sosorry at unang nag sosorry sa amin. I'm really thankful to God because He gave me a man like Ice.

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon