Then they started laughing so hard. Sumakit pa ang tiyan ni Cole.

Natigil lang sila sa kakatawa nang bumukas ang pinto ng opisina ng President at pumasok doon si Orpheus Gerhardt na nakakunut-noo.

"Father, may problema?" agad na napatayo si Lorcan para salubungin ang matandang Pureblood. He was about a thousand years old and looked like a ninety-year old mortal.

"What? Wala naman. Naghahanap lang ako ng makakausap," sagot ng great grandfather ni Cole.

"Ay naku! Bonding time na pala ng mga matatanda. Aalis na po ako. Pag-aaralan ko pa itong misyon ko," aniya at walang balak na magpapigil. Baka dalhin nanaman kasi siya ng lolo Orpheus niya sa library para pagbasahin ng malaswang nobela. Naku! Ginawa pa siyang audiobook. Kung bakit kasi nag-decide pa itong magkaedad eh Pureblood naman. 'Yan tuloy, lumabo ang mga mata.

"Hep, hep," pigil ni Orpheus kaya walang nagawa si Cole kundi ang lingunin ang dalawang matanda.

"May mission ako, Great Gramps. Si Poging Gramps na lang ang utusan ninyong magbasa ng mga erotic novels n'yo," aniyang nakangiwi.

"Tsk. Inosente ako sa ganyan," nakakunut-noong sabi ni Orpheus.

Umikot ang mga mata ni Cole. "Lies! Great Gramps, ang tanda-tanda n'yo na pero gusto n'yo pa rin ng mga erotica. Ilang taon na kayo uli?"

Nagkibit-balikat si Orpheus. "998 years old."

"Ang tanda n'yo na. Kaya pala may nakikita na akong alikabok na lumalabas sa bibig at ilong n'yo kapag nagsasalita kayo."

"Loko 'tong batang 'to."

Natatawang tumakbo siya palabas at dumeretso na lamang siya sa kanyang silid. He had to study the details of his newest mission. Sana naman ma-solve n'ya ito nang mabilis.

He didn't want to stay in Chilakest for long.

—-

Cole arrived in Obis, the capital city of Chilakest, after ten days of travel. He was so thankful that Blackbourne invented the airship. Ang dating ten months na byahe ay naging ten days na lang. Kaya mas yumaman ang kontinente nina Xandros dahil sa negosyo nito. Ito lang kasi ang may technology na ganito sa buong mundo at binabayaran ito ng mga kontinente na gustong magkaroon ng airship.

Well, may mga choppers naman pero for short distances lang ang mga 'yun.

Katulad dito sa Chilakest. International trips were available for a very high cost. Iyung mga gustong mag-travel sa iba't ibang continents ay bumibili ng tickets for public flights. Mas nagiging madali ang pagbisita sa iba't ibang lugar dahil sa airship ng Blackbourne. Maybe the only good thing that Marlowe Blackbourne did for their country. Marlowe was Xandros' uncle and was a very very evil man.

The International Port of Obis was actually pretty nice. It was big, clean and modern. Siempre, lahat ng airships na nakadaung doon ay pag-aari ni Xandros.

Isang magandang babae na siguro ay nasa late twenties na ang sumundo sa kanya. She was a mortal. Itim ang buhok nitong nakapusod at nakasuot ito ng itim na pantsuit.

"Sentry Bloodworth," pormal nitong bati sabay abot ng kamay na agad naman niyang tinanggap.

Cole smiled, iyung pamatay niyang ngiti. "And you are...?" oh, 'di ba? Wala talagang pinapalampas itong charm n'ya. Nakita n'ya kasi ang biglaang paglambot ng ekspresyon ng babae. Agad itong namula at ngumiti nang nakakaakit.

"Kimber," sagot nito na hindi pa rin binabawi ang kamay. At hindi rin naman niya iyun binitawan.

"Nice to meet you, Ms. Kimber," aniya sabay ngisi nang mapang-akit.

Blood MenaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon