Mabilis siyang naglakad at binuksan ang Van pero bago pa siya makalabas muli siyang lumingon rito at umirap.

"Iyak ka lang diyan, hindi ko gagawin ang gusto mo."

Bumuhos ang mga luha ni Illyza nang maalala ang araw 'yon. Inaamin niyang mali ang pinost niyang iyon, bata pa siya noon at nadala sa sobrang pagmamahal kay Kevin. It purely a childish act of love at ngayon lubos ang pagsisisi niya. Pinahiya niya si Monique, higit pa ron, pinahiya niya ang sarili niya.

"I'm sorry, I'm sorry Monique." Umiiyak niyang sabi habang nakaupo sa sofa ng living room ng kanyang condo. Tinaas niya ang mga paa at niyakap ito. Dumukdok siya sa kanyang tuhod at nag-iiyak. The doctor warned her to never stress herself but she can't help it. Sa tuwing naaalala niya ang ginawa niya noon hindi niya mapigilang hindi umiyak; napakasama niya. "Patawad, Monique, patawad. Sinadya kong saktan ka dahil sa sobrang pagmamahal ko kay Kevin. Mahal na mahal ko siya at gusto kong ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya. Hanggat mahal namin ang isa't-isa, hanggat mahal pa niya ako hinding-hindi ko siya bibitawan..." Humihikbi siya. "Patawad..." She again sobs. "...naging masama ako, naging makasarili. Patawad, Monique."

Iyak lang siya ng iyak nang tumunog ang phone niya na nasa center table. She wiped her tears and took her phone.

Nanay Veronica calling...

Bumilis ang tibok ng puso niya, kinakabahan siya. Ano na naman kaya ang kailangan nito? She heaved a deep sigh and calm herself.

"Nay?"

(Oh? Sikat na sikat ang araw nasa'n ka ngayon? Nasa JBT ka? Pupunta ako riyan.)

"Nay wala po ako sa JBT, nasa condo ako ngayon."

(Wala kang trabaho ngayon?) Padaskol nitong tanong. Umiling-iling siya kahit hindi nito kita.

"Wala po 'nay,"

(Nakausap ko ang manager mo. Maraming projects ang pumipila sa'yo. Pero bago 'yon, napirmahan mo na ba ang kontrata mo?)

Umangat ang kanyang ulo at kinagat ang ibabang labi. Muli ay umiling siya.

"Hindi pa po 'nay,"

(Ano?? Hoy Yza malapit ng matapos ang kontrata mo! Next week na! Nag-iisip kaba ha?)

"Nay—"

(Ah! Siguro may plano kang lumipat sa NCC, tama?) She heard a snap of fingers on the other side, tumatawa pa ito na parang natutuwa. (Alam mo ok din 'yon! Mas sisikat ka do'n! Nako Yza ha dapat mas malaki pang pera ang ibigay mo sa akin—)

"Nay—"

(Dahil kung hindi! Nako makakatikim ka talaga sa 'kin.)

Pumikit siya at bumuntong hininga. Pera lang talaga ang iniisip nito. How about her? Hanggang kailan kaya niya marinig mula rito na hindi naman pera ang lumalabas sa bibig nito? She never heard her asking how she is doing, kumusta siya, at mga mahahabag na mga salita. Ni minsan hindi niya alam kung mahal ba siya nito o hindi, dahil simula pa noon hanggang ngayon parang puro galit lang ang nararamdaman nito sa kanya na hindi niya maintindihan kung bakit.

(Oh? Natahimik ka? Totoo ba?)

She smiled, the saddest one. Siguro kailangan na niya itong sabihin ngayon. Huminga siya ng malalim. "Nay... sorry... wala akong balak na lumipat... at wala talaga akong balak na pumirma pa sa kontrata.... I... I decided to quit. Sorry."

Napapikit siya nang may marinig na nabasag sa kabila.

(ANONG SABI MO?! NABABALIW KANA BA?! 'WAG KANG UMALIS DIYAN PUPUNTAHAN KITA HAYOP KA!!)















SERIES 2: Trapped In SadnessWhere stories live. Discover now