CHAPTER 2

3K 72 0
                                    

Pakiramdam ni Laurice ay may nakamasid sa kaniya. Napalingon siya sa kanilang garden. Nagulat siya sa lalaking naroon na nakatingin sa kaniya. Nagdiwang ang puso niya ng makilala ito.

Si Cedrick.

Hindi niya tuloy alam ang kaniyang gagawin. Tumalikod nalang siya saka palihim na nagdiwang. Naalala niya ang kaniyang kasuotan. Malamang ay nabibighani ito sakaniyang magandang pangangatawan kaya naatitig ito sa kaniya. Parang gusto niya tuloy tanggalin nalang ang suot nitong t-shirt at short para mas lalong tumambad ang kaniyang kabuuan.

Pinakalma ang sarili saka muling nilingon ang kinaroroonan nito. Kaswal parin ang mukha ng binata ngunit ilang sandali lang ay nakita na niya itong nakangiti habag nakatingin sa kinaroroonan niya. Napakatamis ng ngiting iyon ni Cedrick at kitang-kita ang mapuputi at maaayos nitong ngipin. Mas lalong lumitaw ang kagwapuan ng binata at wala siyang nakikitang dahilan para hindi niya ito gantihan ng ganong katamis na ngiti kaya abot hanggaang tenga ang ngiting iginawad niya sa binata. Tila tumatalbug-talbog naman ang puso niya ng makitang papalapit na ito sakaniya. Ilang bahagya nalang ang pagitan nilang dalawa ng binata. Hindi siya nakatiis kaya hinakbang niya ang kaniyang mga paa upang salubungin ang binata ngunit nagulat siya at napapitlag sa kinatatayuan.

"Bro! Nandito ka pala." boses ni Lian mula sa kaniyang likuran. Namula tuloy siya sa pagkahiya. Hinablot niya ang tuwalya na nakasampay sa upuan at ipinangtakip sa sarili.

"Oo bro, kararating ko lang naman. Hinihintay ko si Lia." sagot ni Cedrick at nagtapikan ang dalawang binata sakanilang mga likod.

"Sa minibar muna tayo bro, inom muna tayo ng tag-iisa nating bote ng beer habang hinihintay mo si Lia."

"Mabuti pa nga bro, mainit dito sa labas. Pinagpawisan ba naman ako agad."

Napalunok si Laurice sa sinabing iyon ni Cedrick. Patuloy siyang tahimik hanggang sa lumakad na ang dalawa papalayo sa kaniya. Grabe! Sa harap na niya nag-usap ang dalawa pero ni ha, ni ho, hindi man lang siya pinansin. Nawalan na tuloy siyang gana na magbabad sa pool hanggang sa pagdating ni Lia.

Labis ang panghihinayang niya. Iyon sana ang kauna-unahang ngiti ni Cedrick sakaniya pero hindi pala para sakaniya ang ngiting iyon ng binata. Napasimangot siya ng tuluyan.

"Buti pa si Lian, nginitian samantalang ako." parang bata si Laurice na nagtatampo samantalang wala namang dahilan upang magtampo siya. WALA PA TALAGANG PAG-ASA NGAYON.

"Nariyan na pala si Lia eh." usal ni Lian ng makita ang papanhik na si Lia.

"Hi babygirl! How are you?" masayang bungad ni Cedrick.

"Aba, may naligaw ata." turan ni Lia na may bahagi ng pagtatampo.

"Ofcourse not! Sinadya talaga kita."

"Buti naman at naalala mo pa ang isang Lia na pinsan mo." pabagsak na umupo si Lia sa sofa.

"Babygirl naman, busy ako ng sobra kaya ngayon lang kita nadalaw."

Nakasimangot parin si Lia at tinitigan ang pinsan.

"Kailan ka ba magpapalaya?"

Napakunot-noo si Cedrick.

"Ang alin?"

"Ang ibig kong sabihin, kailan kaba magiging malaya? Ikaw lang naman ang nagkukulong ng sarili mo sa pag-iisa ah. Alam ko nakabantay sayo si Faith at sigurado akong ayaw niya ang anumang nakikita niya ngayon sayo."

Napabunting-hininga si Cedrick sa panenermon ng pinsan.

"I'm trying Lia. Pero mahirap parin talaga ang lumimot sa taong minahal ng sobra.

MY SISTER'S CONFESSION (B:2 LIA'S DIARY) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon