Prologue

136K 2.3K 149
                                    

Written: 2015

Revised Edition Posted: 2020

The True Man Trilogy 2: Indomitable Matthew was self-published (2017, 2018)

***

If you encountered weird spacing of words, unusual repetition of words and/or sentences, etc. along reading my stories, it's a glitch from the app. Or there was a problem while you were downloading the story. 

To fix this, just remove the story from your library, log-out your account, log-in again, then finally, add the story to your library, again. Make sure internet connection isn't interrupted, as well. Thank you! Enjoy reading!

***

PROLOGUE

"MATTHEW, nakita mo na 'yung transferee na pinag-uusapan ng mga nasa Business Ad?"

Kunot-noo na bumaling si Matthew sa pinsang si Andrew. "Ano namang pakialam ko sa mga taga-Business Ad?"

"Ang sungit mo naman," nakatawang biro ni Jude na naninigarilyo sa isang tabi.

Binalik niya ang atensyon sa Math problem na sinasagutan. Kanina pa naiinis si Matthew dahil hindi niya masagutan ang assignment sa Trigonometry. He's a second-year Criminology student.

'Langhiya! Hindi niya alam kung saan niya banda magagamit ang trigonometric functions sa panghuhuli ng mga kriminal.

"Kay Terrence mo na lang pasagutan 'yang assignment mo sa Math! Punta tayo sa building ng Business Ad! Tingnan natin yung transferee. Bebot daw, mga 'tol!"

"Kayo na lang," taboy niya sa mga pinsang inaabala ang pag-aaral niya.

Pumalatak si Jude. "Ang faithful mo naman kay Claire!" tukso nito habang itinatapon ang sigarilyo sa tabi ng puno.

"Oo nga. Sama ka na sa'min. 'Di ka namin isusumbong kay Claire."

Hindi niya pinansin ang mga ito. Wala naman silang relasyon ni Claire. Talagang malapit na magkaibigan at magkababata lang talaga sila ng dalaga.

Si Claire lang din ang madalas niyang lapitan kapag may problema siya kaya tingin ng mga tao sa paligid nila ay may relasyon sila.

Hindi rin siya ang tipo ni Claire. Kung alam lang ni Andrew na ito ang gusto ng matalik niyang kaibigan sa Monte Amor.

"Kung aalis kayo, umalis na kayo," walang emosyong taboy niya habang nakatutok pa rin sa kanyang papel.

"Tss. Bahala ka na nga."

Umalis na sina Andrew at Jude kaya naiwang mag-isa si Matthew sa tambayan nila. Ang tambayan nila ay isa sa mga pabilog na lamesa malapit sa soccer field ng campus. Nasa tabi iyon ng malaking puno kaya naman kapag naninigarilyo silang magpipinsan ay hindi sila napapansin ng guard.

Kunot na kunot ang noo ni Matthew habang nakatingin pa rin sa sinasagutang papel. Kahit sinong estudyante ang makakita sa kanya ay mahihiyang maki-share ng table para hindi siya maabala.

But not the new girl in school.

"Excuse me? Puwedeng maki-share?" came that sweet and light voice.

"Sige lang," sagot niya ng hindi nag-aangat ng tingin.

Ano bang kinalaman ng sine, cosine at tangent sa Criminology? Pucha. May ganun yata sila dati nung highschool, bakit hindi niya na alam ngayon?

"Oh, Trigo. Do you want some help?"

Indomitable Matthew (TTMT #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon