Chapter 11: Rooftop

Start from the beginning
                                    


I was into my deep thoughts while crying here sa rooftop, when....


"Mia?"


A simple word yet comforting, from the voice na matagal ko nang di naririnig. Ang sarap lang sa tenga ng boses niya, aminin ko namiss ko 'tong boses na 'to. Grabe ka naman sa akin rooftop, porke be lagi mo siya ditong guest, pati boses niya nirecord mo na.


"Mia?" pag-ulit niya. Napadilat ako. Hindi na 'to guni-guni.


Paglingon ko ay nakita ko siya. May hawak ng inumin at pagkain. Ano 'to picnic?


"Care to share?" tiningnan ko lang siya. Aba isang buwan ka ba namang di nagpakita tapos bigla kang nagparamdam ngayon. Pwes who you ka sa akin.


Pansamantala ko yatang nakalimutan ang bigat ng nararamdaman ko kanina. Sumenyas siya na uupo siya sa tabi ko, wala naman na akong nagawa, umupo na siya agad bago pa ako makatango.


Nagshare lang kami sa chips na dala niya. Bakit kasi isa lang dinala niya? Tsaka ano 'to, maglalasing ba kami dito?



"Ken, may tanong ako sa'yo" seryoso kong simula.


"Hmm ano yun?"


"Nagmahal ka na ba?"


"Ako?"


"Ay hindi yung kapitbahay mo....haha siyempre ikaw!" pilosopo ka ha.


"Oh sorry na. Lalo kang papangit niyan eh. Nagmahal sa magulang, oo sobra. Nagmahal sa best friend, oo. Pero nagmahal ng babaeng makakasama ko habambuhay? Hindi pa."


"Ang swerte mo!"


"Huh, anong maswerte dun?"


"Kasi hindi mo nararamdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon."





Ken's POV


Ngayon ay binuksan na niya yung lahat ng mga natitirang lata ng beer. Grabe, sampu yung binitbit ko, nainom na niya yung lima.


"Narinig ko kayo kanina" pag-amin ko. Pinaningkitan niya ako ng mata. Ang cute. Lalo na't rosy cheeks na siya dahil sa beer.


"Sino ba kasing may sabing sa corridor kayo mag-away?"


Love You, SunsetWhere stories live. Discover now