Chapter 9 | Having Some Fun

19 2 0
                                    

"SEQUENCE UPON LOVE"

[HAVING SOME FUN]

CHAPTER 9

-KEVIN LOUIE VILLIANUEVA POV*-

Naalimpungatan na lamang ako nang marinig ko ang ingay sa labas ng bahay namin na ikinabangon ko mula sa pagkakahiga. Napatingin ako sa orasan ng keypad kong cp at 8:50 am na nang umaga! My gosh.

Bakit ba ako natagalan sa paggising?

Nanaginip pa naman ako kaso naputol nga lang.

Ano kayang meron? Ang ingay sa labas ah. Matingin nga!

Nanghilamos ako agad sa c.r saka na dumiretso sa sala at nadatnan sina mama't papa na nakaupo kasama ang kapatid ko pati na sina Dylan at si Greg. Wala ata si Nicoh? Haha.

"Ma!Pa?' Nu meron?" mabilis na tanong ko at napatabi rin sa kanila.

"Kevin,anak! Wag ka munang tumulong sakin ngayon sa bukiri--pinutol ko un.

"Pero papa..." reklamong putol ko.

"Sama ka na muna sa amin Kevin!" narinig kong sambat ni Dylan habang ngumingiti.

"Oo nga anak! Sama ka muna sa kanila." sabi naman ni papa at tinapik-tapik ang balikat ko.

"Sa'n naman yun?" takang wika ko at ningisihan ako nilang Dylan.

"You remember those days na naglalaro tayo sa ilog?" wika ni Greg na ikinaningning ng mata ko.

"Bakit? Pupunta ulit tayo don?" nakangiti ng sabi ko.

"Oo naman,bakit hindi? Actually may mga kasama naman talaga tayo pero sabi nila ay mauuna muna tayo dun. May mga dala nga kaming gamit eh!" at ipinakita nila ang kaniya-kaniya nilang back pack na siguro ay laman dito ay mga damit pangbihis.

"Ano? Tara na." yaya pa ni Greg sa akin.

Nagdadalawang isip ako kung sasama ako sa kanila. Pa'no si papa? Ako lang naman ang makakatulong sa kanya.

"Sige na! Kevin..Sama ka nalang muna sa kanila. Mag-enjoy ka! Di pa naman ako mag-aararu ngayon." saad pa ni papa na sinang-ayonan din ni mama.

"Oo nga anak! Magsaya na muna kayo nilang dylan. Basta mga hijo huh? Ingatan niyo ang unica hija namin." kininditan pa sila ni mama na ikinasimangot ko.

"Mama!!" saway ko.

Tinawanan lang ako nang mga loko.

"Sama narin ako Kuya Kevin! Okay lang naman nila papa at mama eh. Diba?" pinasang-ayon ni Jay-r sina mama at papa na tinanguan din nito. Magkasabwat din ang mga ito!

"Bilisan niyo na diyan at nang makaalis kayo! Basta yung sinabi ko mga hijo huh?Wag kalimutan." saad ni mama at tumayo na ito.

"Sige! Wait niyo lng ako." sabi ko naman at kaagad na bumalik sa kwarto para kumuha lang ng iilang damit para bihisan ko.

Pagkatapos ay bumalik ako sa salas na bitbit na ang bag na nilalagyan ko saka narin kami lumabas ng bahay.

"Aalis lang ba kayong walang pagkain na dinala? Ito oh! Dalhin niyo yan baka gutomin pa kayo don." nakangiting saad ni mama saka na inabot ang basket.

"Salamat po ma." wika ko at nagpaalam.

"Alis na po kami,Tita! Tito!" paalam din nila Dylan at Greg.

"Ingat kayo huh? Bye!" kumaway si papa sa amin na kinawayan din namin saka na naglakad papunta sa ilog na paborito kong pagliguan nun.

Excited na ako! Sino kaya makakasama namin? Hm..

SEQUENCE UPON LOVEWhere stories live. Discover now