Chapter 3: Stolen Kiss

Zacznij od początku
                                    

"Pupunta ko mamaya sa bahay nyo." Sabi ko, "sisiguraduhin kong hindi ka nga iiyak." Tapos sabay kaming tumawa.

Leche naman kasi tong si Haru! Oo na, pogi siya, pero wala siyang karapatang saktan ang bestfriend ko! Aish. Asar! Teka, di pa nga pala ako kumakain ng breakfast, ang ingay na ng mga alaga ko sa tyan e.

"Hindi ako nag-breakfast para puntahan ka kaagad dito! Ngayon, ilibre mo ako!" Sabi ko tapos tumawa naman siya. Hinatak niya ako, habang NMORKWHHDNHNA (nasa moment of running kami with holding hands dahil nga hinatak nya ako) napatingin ako sa mga kamay naming magka-holding hands, yung parang ang bilis bilis ng takbo namin pero feeling ko ambagal kase magkahawak kami ng kamay. Leshe.

"Ouch!" Nabunggo ako kay Haru, sa dinami dami ng studyante dito sa campus na pwedeng makabunggo e si Haru pa! Asar! At isa pa nagmamadali kami kase gutom na ako.

"Hoy! Ikaw si Ken diba?" O ano naman sa kanya?

"Oo, bakit?" Sabi ko. Tapos tinulak niya ako kaya napaupo ako, ang sakit kaya! Hindi naman sa lampa ako pero ang lakas niya talaga e. Pramis mag-aaral na talaga ako ng Martial Arts!

"Hoy! Bakit mo siya tinulak Haru! Wala kang karapatan na gawin sa kanya yon! Magsorry ka!" Sabi ni Bhea, ngayon, ako naman ang pinagtatanggol niya.

"At ano ka naman niya para ipagtanggol mo siya?" Aish! Nakakaasar talaga siya dito! Ang cute pa naman ng pangalan niya pero ampangit naman ng ugali niya!

"Boyfriend ko si Ken! Kaya you! Yes you Haru-kun! Stay away kung ayaw mong ipa-guidance kita!" Ngayon ko lang narining na tinawag ni Bhea si Haru ng may honorific, pero ang isa pang nakakabingi at nakakagulat, nang sabihin niyang boyfriend niya ako! Wah! Tumatalon na ang puso ko! Tapos tinayo niya ako mula sa pagkaka upo. Sheet! Ang sweet!

"Wow, ang bilis mo namang palitan ak--" Hindi pa tapos si Haru sa sinasabi niya ay bigla siyang tinulak ni Bhea at sinabing wala na siya doon. Hinatak na niya ako papuntang cafeteria at hindi na namin muling nilingon sila Haru.

"Ken, order ka na ng kahit anong gusto mo." Sabi niya, nahalata kong na-badtrip siya sa nangyari.

"Sorry Bhea." Sabi ko.

"Sorry? Sorry for what? For the things that happened?" Sabi niya. Ngayon ko lang siyang nakitang nagalit.

"Sorry for everything." Sabi ko tapos nginitian niya lang ako sabay order.

"Ah Miss, can I have 2 chocolate moose and 2 strawberry cupcake?" Tanong niya.

"83 po lahat lahat Ma'am." Hindi ko maitatangging mahilig sa sweets si Bhea.

"Here Miss, just keep the change po." Tapos nginitian niya yung helper sa cafeteria. Binigay niya sakin yung isang cupcake at yung isang choco moose.

"Hindi padin ako kumakain e! Hahaha. Tara kain na tayo!" Sabi niya. Namiss ko siya, kase one week ko siya halos di nakasama dahil kay Haru.

"Na-miss kita." Sabi niya, hindi lang pala ako ang nakamiss? hahaha

"I miss you too! I love you." Sabi ko sa kanya ng seryoso, tinitingan niya ako.

"I love you too." Sabi niya tapos biglang tumawa! Sabog talaga.

"I love you more!" Sabi ko xD

"I love you most!" Sagot niya, buti na lang at wala masyadong tao sa cafeteria.

"I love you through infinity and beyond!" Hahahaha, Buzz light-year!

"Hahahaha, text to? Hahaha." Sabi naman niya tapos biglang sumeryoso ng kumagat sa cupcake.

"Ang tahimik mo talaga kapag kumakain e no?" Sabat ko. Hahaha

"Wala ka ng ginawa kung di obserbahan ako no? Hahaha" Sagot naman niya.

"Tama bang sagutin ng tanong ang isa pang tanong? Ha? Sabihin mo nga saken!" Waah! Umbis na yung moose at cupcake nya! Para siyang monster kumain kapag sweets! Di naman tumataba.

"Oo!" Tapos inagaw niya yung dapat isusubo ko ng cupcake! Aish! Tapos napansin kong pati yung moose ko naubos nadin niya! Waah! Ang takaaw!

"Napaka takaw mo talaga kahit kailan!" Sigaw ko.

"Che! Kesa naman sayo, napakabagal kumain kaya nauunahan! Bleh!" Aba't dinilian pa ako!

"Pero seryoso, sorry kung sinabi kong boyfriend kita ah." Sabi niya, sumeryoso ulit yung mukha niya! Cycle lang e!

"Ah! Wala ng bawian! Hahaha!" Sabi ko.

"Ewan ko sayo! Boyfriend mo mukha mo! kita mo to..?" Tapos pinakita niya yung orasan niya. "late na tayo o! Amabagal mo kaseng kumaen!"

"Eh ikaw kaya umubos ng pagkain ko!" Tapos pinipigil kong matawa.

"Ewan ko talaga sayo Ken!" Tapos papalabas na siya. Sinundan ko siya. Halos 2 in. away lang ako sa kanya. Hahahaha

Tapos bigla siyang humarap at nagkadikit ang mga labi namin. Nagulat siya, lalo naman ako!

"Kadiri ka Ken! Eeew!" Tapos pinaghahamoas niya ako.

"Aba Bhea! Hindi ko gustong halikan ka! Malay ko bang lilingon ka! Ikaw kaya tong kadiri." Kahit naman gusto ko e di ko masabi.

"Ish! Pakiabot na lang yung bag ko!" Sabi niya tapos inabot ko, hinablot naman niya at umalis na.

"Hoy! Bhea! Sorry na!" Sabi ko. Tapos humarap siya saken ng nakapout, nilapitan ako, Infairness ang kyot nya. Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Pinikit ko yung mga mata ko. Tapos narinig kong tumawa siya.

"Hahaha! Ang assuming mo Ken! Hahaha! Anong akala mo hahalikan ulit kita? Hahahaha Funneh!" Leche! Napahiya ako dun a.

"Tara na nga! Hahahaha, apology accepted!" Ang kyut nya talaga.

Si Mr. Torpe at si BestfriendOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz