CHAPTER 34

92 5 0
                                        

"Pablo, 'wag mo 'kong iwan, please!"


My tears started to pool in the corner of my eyes. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha ko nang may malambot na bagay ang dumampi sa labi ko. Agad ko siyang pinalo sa braso sa inis ko.


"Siraulo ka, akala ko patay ka na!" saad ko habang pilit na pinapatahan ang sarili ko.


"Pwede ba 'yon? Di'ba sabi ko hindi ko kayo iiwan ni Avrielle?" saad niya habang pinupunasan 'yung mga luha ko.


"Si ate, parang tanga. Ang baba lang naman ng puno, e!" saad ni Jun na kakalapit lang sa'min.


"Kahit na! Pa'no kung nabagok siya?!" katwiran ko. "At tsaka ano 'tong dugo rito?!" saad ko pa nang mapansin ko 'yung kulay pulang likido sa kamay ko.


"Pa'no ba 'yan, bayaw, nasabi na ng ate ko na mahal ka niya? 'Yung usapan natin, ha?" saad ni Jun at agad namang tumango si Pablo sa kanya.


"Hoy, anong usapan 'yon?!" saad ko kay Jun at pilit na tumayo pero bigla siyang kumaripas ng takbo palayo sa'min.


I arched my brow. "Hoy, ano 'yung sinasabi ng kapatid ko?" Pagkompronta ko sa kanya.


"Sikretong malupet!" saad niya at kinindatan ako.


Pinaningkitan ko siya ng mata. "Kapag may nangyari sa kapatid ko, kukutusan talaga kita!" banta ko pero tinawanan niya lang ako.


"Tumayo ka na nga diyan para makapagpalit ka na ng damit," saad ko dahil ang dungis niya.


Napataas ang kilay ko nang ngumuso siya na parang batang nagpapa-awa. "Tulungan mo akong tumayo, please," saad niya at nagpa-cute pa ang loko.


Napairap na lang ako at tinulungan siyang tumayo. Narinig ko ang mga mahihina niyang daing habang naglalakad kami pauwi.


Nang makarating kami sa bahay ay dinala ko siya sa kwarto para makapagpahinga. Pinaupo ko muna siya sa kama para hubarin 'yung t-shirt niyang puno ng ketchup.


Kaya pala malagkit 'yung akala kong dugo kanina, ketchup pala!


Kumuha ako ng t-shirt na pamalit sa gamit niya at sinuot sa kanya 'yon. Nang mapalitan ko siya ng damit ay pinahiga ko siya sa kama at pinadapa. Kumuha ako ng langis bago naupo sa tabi niya.


"Ouch!" daing niya habang hinihilot ko 'yung likod niya.


"'Wag kang magulo!" saad ko dahil ang likot-likot niya. "Gagawa kase ng kalokohan tapos, ngayon aray!"


Pagkatapos kong hilutin 'yung likod niya ay nahiga ako sa tabi niya. Lumapit siya sa'kin at hinalikan ako sa labi. Hinapit niya 'yung baywang ko palapit sa kanya at ibinaon 'yung mukha niya sa leeg ko.


"Diwata ka ba?" tanong niya.


My brows furrowed. "Huh? Bakit?"


"Wala lang, nagtatanong lang," he chuckled kaya pabiro ko siyang hinampas sa braso niya.


"Seryoso na," saad niya habang pinipigilan 'yung tawa niya. "Diwata ka ba?" tanong niya ulit.


"Umayos ka, bibigwasan talaga kita," banta ko pero tumawa lang siya. Umirap ako at sinabing "Bakit?"


"Weh? Lipad ka nga," saad niya habang namumula sa kakatawa. Sa sobrang inis ko ay hinampas ko siya sa braso at umalis sa tabi niya. Akmang tatayo siya para habulin ako pero hindi niya nagawa dahil sa pagkakahulog niya sa puno kanina. I stucked out my tounge just to tease him.


MY ONLY EXCEPTION (SB SERIES #1)[Completed]Where stories live. Discover now