Dahil Mahal Kita!!!

5.6K 61 7
                                    

Makalipas ang ilang araw....................................................

Karylle's POV

Kasama ko ngayon si Baby Boy sa mall para mamasyal. Habang naglalakad kami, may narinig akong sumigaw ng pangalan ko. Pagtalikod ko, nakita ko si.............. Jhong. "Karylle!", sabi ni Jhong habang papalapit samin.

Vice's POV

Nakakainis talaga yang Jhong na yan. Ang saya saya na namin, may daot pa. Parang wala ako dito kung makapag-usap sila at magtawanan. Makaalis na nga......... Pumunta na lang ako sa isang bar malapit sa mall.

May nagtext sakin at akala ko si Karylle. Si Anne pala.

A: Vice, kasama mo ba si Karylle?

V: Hindi.

A: Sino kasama niya?

V: Tanong mo sa kanya.

A: May problema ba?

V: Wala.

A: Nasan ka?

V: Pake mo ba?

A: Sagutin mo na lang tanong ko!

V: Sa bar malapit sa mall. Bye na.

Di na ulit sumagot si Anne. Uminom na lang ako ng uminom.

Karylle's POV

Ngayon ko lang pansin na wala na si Vice. "Nakita mo ba si Vice?", tanong ko kay Jhong. "Hindi eh. Baka may pinuntahan lang.", sagot naman ni Jhong. Tinignan ko yung phone ko at hindi naman nagtetext si Vice sakin kung san siya nagpunta.

Tinext ko si Vice kung nasan siya pero hindi siya nagrereply. "May problema ba Karylle? Kanina ang saya saya mo ngayon nakasimangot ka.", sabi ni Jhong. "Hindi kasi nagrereply si Vice kung san siya pumunta.", sabi ko.

"Andyan lang yan sa tabi tabi. Hayaan mo na. Andito naman ako eh.", sabi ni Jhong. "Sorry Jhong ah. Kailangan ko na umalis eh. Hahanapin ko muna si Vice", sabi ko tapos umalis na at hinanap si  Vice.

Tinext ko naman sina Anne kung alam nila kung saan si Vice. Nagreply naman agad si Anne.

K: Alam mo ba kung nasan si Vice?

A: Nasa bar malapit sa mall. Teka, may problema ba kayo?

K: Wala. Bakit?

A: Para kasing galit si Vice eh.

K: Bakit daw?

A: Hindi ko alam eh. May nangyari ba sa inyo?

K: Wala naman. Kasama ko nga siya kanina eh. Biglang dumating si Jhong tapos maya maya nawala na siya.

A: Baka naman nagselos?

K: Ba't naman siya magseselos?

A: Kay Jhong. Sige na girl. May gagawin pa ko eh.

Kay Jhong? Bakit naman siya magseselos kay Jhong? 

Vice's POV

Nakalima na kong bote at nalasing na ko. May umupo naman sa katabi kong isang babae. "Hi. I'm Isabel.", sabi nung babae tapos nakipagshake hands sakin. "Vice", sabi ko. "May kasama ka ba?",tanong niya.

"Wala eh.", sabi ko tapos uminom ulit. "Tara. Sayaw tayo.", sabi niya. "Wag na.", sabi ko. "Bilis nah", sabi niya tapos hinihila ako. "Wag n---", napatigil ako nung bigla niya kong hinalikan. "Vice!!!", bigla naman akong may narinig na sumigaw ng pangalan ko.

Pagtingin ko...... Karylle?! "Karylle. It's not what you think.", sabi ko at tumakbo paalis si Karylle. Hinabol ko naman si Karylle pero medyo bumagal ako dahil sa kalasingan ko. Pero nakasakay na si Karylle.

My Gay......... Husband???!!! (Vicerylle)Where stories live. Discover now