"Bakit?"

Huminga ako. "I'll take a quick bath. Stay there."

"Kulit mo." Hinila niya ako paupo. Sinubukan ko tumayo pero ayaw naman niya akong bitawan. "Huwag kang gumalaw."

"Eris!" Tinulak ko siya. Tatayo sana ulit ako nang hilahin naman niya ako at putangina talaga, sa lap niya ako napaupo. "What the fuck? Ako ba ginagalit mo?"

"Ayoko lang mapasma ka." sagot niya. Hindi pa nakuntento at niyapos pa ako. Lalong gusto ko tuloy maligo. "I washed up, malinis ako. Huwag kang pabebe na, Maria Clara."

"I am fucking not." Nanggigigil na saad ko sa babaeng ito na may tinatagong tigas ng mukha. Hindi ko alam "I want my privacy back, let go of me."

Bigla niya ako inalis sa lap niya at pinaupo ng maayos. Tiningnan niya ako ng matagal kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Problema mo?"

"I'm sorry." She pursed her lips in a small smile. Hindi ko maintindihan kung bakit para bang ang sincere masyado ng datingan no'n. "Okay, but seriously, can I hug you?"

"At bakit?"

"Parang gusto lang kitang yakapin."

Parang sasakit lang ulo ko sa kanya. Sa asar ko ay hinila ko siya sa buhok. "Okay, gutom ka. Kumain na muna tayo, maliligo ako pagkatapos."

"Eh, ano gagawin ko?"

"Ubusin mo yung sabaw kung gusto mo."

Ngumuso siya. "Hindi pa naman ako ganoon ka-bored sa buhay, pero gutom na nga ako."

Tumayo na ako at sumunod naman siya. Kung masama lang talaga ang ugali ko, kanina ko pa siya pinalayas. Pasimple akong napahawak sa bandang dibdib ko.

Fuck. My heart's still beating so fast. Sino ba naman kasing hindi mabibigla sa ganoon?

Kahit ko sinasabihan ay kumuha siya ng plato sa lagyanan at sinimulan iyong ayusin pagkatapos namin maghugas ng kamay. Tinulungan niya lang ako hanggang sa ma-prep ang lahat. Hindi pa siya nakuntento at pinaupo pa niya ako at sinimulang ipaghain.

"I have no one to do this for at home," kwento niya. "It actually feels nice to serve someone."

"Bahala ka."

She chuckled. "You're really nice, lagi ka lang masungit."

Magkaharapan kaming naupo. Walang gumagalaw ng pagkain sa aming dalawa, parang nagpapakiramdaman.

"Mauna ka na," sabi ko sa kanya. "Tikman mo."

"Sure naman akong masarap 'to. Yung noodles nga last time, eh."

"Arte. Bilis na."

"You just want to see my reaction, don't you?"

"Gusto ko lumayas ka."

Natawa siya ng malakas. Inayos niya ang buhok, nang hindi makuntento ay nilabas na niya ang panali ng hair na meron naman pala siya. She gathered her hair in one place and tied it—not too tight, and not too loose either. Hindi ko rin maintindihan sa sarili ko kung bakit ganoon na kasimpleng bagay ay pinanood ko pa.

"Do I look prettier?" Inilagay niya ang palad sa bandang pisngi na parang nagpaoa-cute.

"Mukha kang granny." I told her. Kahit bagay naman talaga sa kanya 'yon. She's so white and her hair's so black. She looks like Snow White without getting a hair cut.

"Well, this granny likes you very much."

"Maghugas ka ng kamay." sabi ko na lang, hindi iniintindi ang sinabi niya. Sumaludo naman siya at kaagad na sinunod ang sinabi ko.

Naalala ko yung first time niya ako kausapin. Puro kagaguhan din ang lumalabas sa bibig niya noon, actually, wala namang pinagbago. This time lang ay mas tolerable ko na.

Ah...wala talagang nasusunod sa gusto kong mangyari. Sana lang, last na 'tong si Eris. G-graduate din naman kami, hindi naman kami laging magkasama. Once she starts working and have a life of her own, her world will starts to grow bigger as well.

Sa mundo na 'yon, hindi niya ako kailangan.

Tulad ng gusto kong maging mag-isa lang. Kasi hassle magkaroon ng baggage full of uncertainties.

"Gusto mo ng hug?"

Tiningnan ko ng masama si Eris na kaharapan ko na pala ulit. "Kumain ka na nga. Kung anu-anong sinasabi mo."

"I'm serious, Bianca." Mataman niya akong tinitigan. "You looked lonely just now."

"Assuming." Maka-lonely kahit hindi

Tinikman na niya yung luto ko. Tumingin siya na parang bata. "Sorop!"

I fought the urge to smile. Sarap palayasin.

_____

Discord's last update was on Nov. 29, 2020. It's May 31, 2021 now. Lol.

Welp. Welcome back, Maria Clara and Eris Belona. 🤧

Discord [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon