Prologue: The Beginning
Sa mundong puno ng hiwaga at panganib, mayroong apat na pangunahing puwersa na bumubuo sa balanse ng kapangyarihan:
- Knights: Ang matatapang na mandirigma, pinili upang maging vanguard laban sa kadiliman. Sila ang mga bakal na pader na kumakalaban at lumilipol sa mga nagkalat na Daemon, ang kanilang espada ay simbolo ng pag-asa at katarungan.
- Hunters: Ang mga anino sa dilim, bihasa sa sining ng panghuhuli at pagtatago. Ang kanilang mga patibong ay tila mga sapot na kumukulong sa mga kalaban, at ang kanilang husay sa pagsubaybay ay walang kapantay. Mahalaga sila sa pagpigil sa pagkalat ng banta, bago pa man ito lumaki.
- Wizards/Witches: Ang mga tagapagmana ng sinaunang kaalaman, mga bihasa sa paggamit ng mahika at alchemy. Hindi lamang sila mga makapangyarihang mandirigma na kayang magpaulan ng apoy o magpatindig ng yelo, kundi sila rin ang mga tagapagpagaling na nagbibigay lunas sa mga sugat at karamdaman na dulot ng digmaan at kalamidad.
- Deities: Ang mga sinaunang diyos at diyosa, ang mga tagapangalaga ng lahat ng nilalang at ng mismong balanse ng buong mundo-mula sa kalaliman ng karagatan, sa luntiang kagubatan, hanggang sa kalawakan ng kalangitan. Sila ang nagbibigay ng biyaya at gumagabay sa sangkatauhan, ngunit bihira lamang silang direktang makialam sa mga usapin ng mga mortal.
- Daemon: Ang mga nilalang mula sa Demon Realm, mga puwersa ng kadiliman na ang tanging hangarin ay ang pagwasak at dominasyon. Sila ang pinagmulan ng takot at kaguluhan, at ang kanilang presensya ay nagdadala ng lagim sa bawat sulok ng mundo.
HISTORY.
Labing walong taon na ang lumipas simula nang matapos ang dakilang digmaan-isang madugong labanan kung saan hindi mabilang na buhay ang inialay upang mailigtas ang mundo mula sa pagkawasak sa kamay ng mga Daemon. Ang mga alaala ng dugo at luha ay nanatili sa kasaysayan, ngunit sa wakas ay nanaig ang liwanag. Matapos ang digmaang iyon, isang matibay na barrier ang naitatag, nagsisilbing panangga na pumipigil sa mga Daemon na makapasok sa mundo ng mga tao.
Sa loob ng halos dalawang dekada, namuhay nang tahimik at mapayapa ang mundo. Nagsimulang umusbong muli ang pag-asa, itinayo ang mga nawasak na kaharian, at unti-unting nakabangon ang sangkatauhan mula sa trahedya. Ngunit ang kapayapaan ay tila isang delikadong balanse na maaaring gumuho anumang oras.
Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, ang matibay na harang na matagal nang nagpoprotekta sa mga tao laban sa kampon ng kadiliman ay muling humina. Isang misteryosong puwersa ang tila gumagapang, nagpapahina sa barrier at nagbubukas ng mga portal sa Demon Realm. Unti-unting nadarama ang presensya ng kadiliman, at ang dating kapayapaan ay unti-unting napapalitan ng pangamba. Ang mga Daemon ay muling nagkalat, naghahasik ng takot at kaguluhan, at ang mundo ay muling nakatayo sa bingit ng isa pang digmaan.
Sino ang magliligtas sa kanila? Ang tanong na ito ay bumubulong sa hangin, dala ang bigat ng pag-aalala. Ang propesiya ay malinaw: Tanging ang Huling Hinirang na tagapagmana ng Elemental Magic lamang ang makakapagwakas sa pananakop ng kampon ng kadiliman. Siya ang itinakdang magbalik ng balanse, ang magliligtas sa sangkatauhan mula sa tiyak na pagkalipol. Subalit, ang nag-iisang prinsesa na siyang nakatalaga sa propesiyang ito-ang huling tagapagmana ng Elemental Magic-ay nawawala. Hindi pa siya natatagpuan hanggang sa panahong ito, at ang pagkawala niya ay nagdudulot ng desperasyon sa lahat ng naniniwala sa hula.
At dito magsisimula ang paglalakbay ng ating bida. Isang ordinaryong buhay na magbabago, isang kapalaran na unti-unting mabubunyag. Ang pagtuklas sa mga nakatakdang mangyari, ang paghahanap sa kanyang tunay na pagkatao, at ang pagharap sa pinakamalaking hamon na haharapin ng kanilang mundo. Ang kanyang mga desisyon at paglalakbay ang magtatakda sa kapalaran ng lahat.
Enjoy reading, Minna! Please vote, comment, and support! Thank you!
(◍•ᴗ•◍)❤(◍•ᴗ•◍)❤(◍•ᴗ•◍)❤
Zcey_k
YOU ARE READING
EPIC CONQUEST: THE ADVENTURE OF ELEMENTAL MAGIC HOLDER ASHIERA
FantasyTagalog-english , adventure, fantasy magic powers demons etc..
