Humalakhak naman siya kaya binatukan ko siya. Napahawak naman siya sa ulo niya.

"Nakakailan ka na ah." Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang pulsuhan ko at ilapit ako sa kaniya. "Baka hindi ako makapagtimpi, halikan kita." Nakangising banta niya

"Gusto mo bang sipain ko 'yang tuhod mo ulit? At sa pagkakataong 'yon hindi ka na makakalakad."

"Sige payag naman ako saktan mo ko kahit sa'n mo gusto. Basta kapalit isang halik."

"Tumigil ka na nga!" Aniko. Binatukan ko siya at tumayo na para umalis.

Isang hakbang palang ang nagagawa ko hinila niya ulit ako.

"May gusto akong itanong sa'yo." Anito. Seryoso siya.

"Ano naman 'yon?"

"Gusto kitang ligawan, pwede ba?" Natigilan ako. Sa pagkakasabi niya mukhang seryoso siya.

Bahagya akong tumawa pero peke 'yon. "Seryos ka ba? Isa kang Campus Crush, famous ka tapos liligawan mo ang isang tulad ko?" Natawa ako muli.

"Pag sinabi ko, gagawin ko.'Tsaka ano ngayon kung famous ako at ganyan ka? Alam mo kasi, unang kita ko palang sa'yo.. Gusto na kita.." Sumeryoso nanaman ang ekspresyon niya. "Nagbago na isip ko, 'di na ako magpapaalam na ligawan ka. Liligawan kita kahit ayaw mo." Huling anito bago maglakad paalis.

Tsk. Kung hindi naman porket liligawan mo ko ay sasagutin na kita. Naiirita ako.

____

Naglalakad lang ako ngayon papasok. Wala ako sa mood ilang araw na rin akong ginugulo ng Stell na 'yon. Hindi ko alam kung kailan siya magsasawa.

"Y/n!" Irita akong lumingon sa likuran ko ng makarinig ng boses. Paglingon ko ay bumungad sa'kin si Josh.

Isa si Josh sa mga e-sports player kaya madalas siya sa computet room para magpractice.

Si Josh ay isa sa mga lalaking naging kakilala at naging kaclsoe ko rin dito mula nung pumasok ako sa eskwelahang 'to. Pero madalang lang kami magkausap at magkasama dahil nga busy siya lagi sa mga tourna na sinasagawa dito sa university.

Gawa ng pagiging E-sports Player ay sikat na rin si Josh sa paaralang 'to kumbaga isa rin siyang famous at heartthrob gaya ni Stell.

"Ngayon lang ulit tayo nagsabay pumasok, ngayon lang din tayo nagkita ulit.." Ngiting aniya. Natawa rin.

"Oo nga."

"Kamusta ka pala?"

Ngumiti ako. "Ayos lang naman dami lang gagawin."

"Talaga?" Napakamot siya sa ulo. "Invite sana kita, birthday kasi nung kaibigan ko this saturday. Pwede ka ba?"

"Ah hindi ko mapapangako Josh, kailangan ko pang magpaalam sa parents ko. Try ko."

"Good." Bakas sa mukha niya ang sobrang pagkasaya.

"Sino ba 'tong kaibigan mo?" Tanong ko.

"Ah nako, Y/n late na ako sa klase ko tsaka may practice pa pala kami mamaya. Sige, ah. Bye na." Nagmadali siyang tumakbo paalis.

Ang weird niya... Ngayon nalang ulit kami nagkita ta's gano'n pa siya ka weird.

Someone's POV

"Nice bro..." Aniko kay Josh ng makalapit siya sa'kin.

"Basta, pag naging kayo aalagaan mong mabuti si Y/n ah? Nako sobrang bait ng babaeng 'yan, she deserves better."

SB19 STELL [ONE SHOT COLLECTION]Where stories live. Discover now