-FIWAG-

246 9 4
                                        

Hi, hello, mabuhay! This is KIFY_SAM! You can call me Ate Sam or Sam.

Isa lamang akong simpleng ulilang babae. Tanging ang kaibigan ko lang na si Thea ang kasama ko sa buhay. Parehas kaming lumaki lang sa tambakan ng basura, pero sa pagsisikap namin ay nakapagrenta kami ng bahay. May mga trabaho rin kami kaso lagi akong malas sa paghahanap ng trabaho. Mapapasok ako sa isang trabaho pero agad din nila akong sisibakin dahil lampa at malas daw ako.

Isang gabi, nangyari ang isang hindi inaasahang pangyayari. Hindi ko man'lang siya natulungan. Napakahina ko. Simula nang gabing iyon ay nakakita na ako ng mga kaluluwa, hindi nila ako nilulubayan. Kung saan ako pumupunta ay nandodoon din sila. Hindi ko alam kung ano ang kailangan nila sa'kin.

Hanggang sa nakakilala ako ng isang lalaking multo. Napakakulit niya at napapatawa niya ako. Natatakot ako na baka mahulog ang loob ko sa kaniya. Sa isang taong patay na.

Akala ko, hindi siya katulad ng ibang kaluluwa na may kailangan sa'kin. Gano'n din pala siya. May kailangan siya sa'kin.

----This story is made out of author's imagination, this is a work of fiction. Names, characters, events, and incidents are either the products of the author's imaginations.----

---All right reserved. No part of this may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means without the prior permission of the author.---

༄𝗣𝗟𝗔𝗚𝗜𝗔𝗥𝗜𝗦𝗠 𝗜𝗦 𝗔 𝗖𝗥𝗜𝗠𝗘༄

-Daghang salamat!❤️

-KIFY_SAM

Date started: May 26 2021
Date ended: July 26 2021

-------

"Maraming salamat ho!" Nakangiti kong sabi kay Nanay Gema, nanay ni Paulo, kaibigan ko.

"Bumalik ka ulit dito para naman nauutusan ko si Paulo, napakatamad na bata." Sabi niya. Natawa ako at saka tumango.

Hawak ang paperbag na may laman na pagkain ay nagsimula na akong maglakad. Dumaan ako sa kalye chico. Alas-diyes na rin ng gabi kaya kaunti na lang ang nadaan sa kalye na ito. Paniguradong matutuwa si Mama kapag inuwian ko siya ng paborito niyang adobo ni Nanay Gema.

Huminto ako at inilabas ang cellphone ko nang maramdamang nag-vibrate iyon. Napailing na lang ako sa text ni Paulo sa'kin. Ang sabi niya, huwag na d
raw ako magpakita kay Nanay Gema para hindi ako patuluyin sa bahay at para hindi na rin siya mautusan. Loko-loko.

Lagi kasi inuutusan ni Nanay Gema si Paulo kapag pumupunta ako sa kanila. Bina-blackmail niya si Paulo na ipapakita niya raw sa'kin ang mga baby pictures ni Paulo kapag hindi siya sumunod sa inuutos niya. Siyempre walang magawa si Paulo dahil ayaw niyang ipakita sa'kin ang mga dugyot niyang pictures, nagpapauto siya. Hindi niya alam, pinakita na sa'kin iyon dati ni Nanay Gema, hehe.

Nang madaanan ko na ang tulay sa kalye nito ay huminto muli ako. Kumunot ang noo ko nang may makitang babae doon. Nakatayo siya sa dulo ng tulay.

"Miss!" Tawag ko pero hindi siya lumingon. Lumapit ako sa kaniya.

Nagi-sleep walking ba siya? Nakapikit kasi siya.

Dali-dali ko siyang hinigit nang akma siyang tatalon. Bumagsak kami sa lupa. Nakita ko siyang dumilat at napatakip sa mata niya nang masilaw sa ilaw ng paparating na truck. Itinayo ko siya at itinulak palayo.

Huminto ang truck at lumabas ang drayber nito. Lumapit siya sa'kin. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa silaw. Ang alam ko lang, lalaki siya. Hinawakan niya ang kamay ko at saka tumingin sa'kin.

Narinig ko siyang matunog na ngumisi at saka umalis. Pinaandar niyang muli ang truck niya. Napangiwi ako sa sakit nang daanan niya lang ang katawan ko. Ang sakit ng buong katawan ko. Narinig ko ang sirena ng mga pulis. Napalingon ako sa gilid ko, nakita ko ang babaeng natulungan ko kanina na walang malay.

Sana...hindi pa siya patay. May lumapit sa'kin na pulis. "Ayos ka lang? Naririnig mo ba ako?"

Akmang sasagot na ako nang tuluyan na akong nawalan ng malay.

======================================

A/N: HI! THANK YOU FOR ADDING THIS TO YOUR LIBRARY! <//3

PS. I JUST WANT TO THANK AGAIN TO itsjustanimagination FOR THE BOOK COVER! I REALLY REALLY LOVE IT! TYSM! <//3

PPS. THIS STORY IS DEDICATED TO MY MARITES SQUAD! ILYSM! <//3

❤️👻

Falling Inlove With A GhostWhere stories live. Discover now