Napalunok ako at hindi kaagad ganon na nakapagsalita dahilan para mas mangunot pa ang noo ko habang tinitignan siya. Pero ng makita ko pa rin ang ngiti sa kanyang labi ay basta ko nalang idinapo ang kamay ko sa bailikat niya na siyang ikinagulat niya. Siniringan ko siya. 

"Ano ba tinitignan mo sa mukha ko?" sarkastiko na tanong ko sa kanya sabay tulak ko sa mukha niya palayo. Hindi ko na din tinapos pang tignan ang mga litrato ko na kinuha niya at basta ko nalang iyon na nilapag muna saglit sa tabi. 

Walang namutawi na ingay sa pagitan namin ng matapos iyon dahilan para mapuno saglit ng katahimikan ang paligid kung nasaan kami. Tanging simoy lang ng hangin ang maririnig. 

"Tara?" biglang aya niya sakin ng akbayan niya ako sa balikat. Nanlaki tuloy ang mata ko at ganon ko nalang dahan dahan na inangat ang paningin sa kanya. 

"Saan naman?" tanong ko bigla sa kanya habang nakataas ang isang kilay. Saglit ko pa muli na nilingon ang bawat sulok ng paligid bago ako tuluyan na tumayo. Nagtaka pa ako at ganon nalang din siyang siniringan kaagad ng makita ko ang kamay niyang inilalahad sakin. 

"Ano ka babae?" Umirap lang ako pagkatapos niyon sabay tanggap ko sa kamay niya para hatakin siya patayo. Kalalaking tao ang daming alam sa pabebe thing! 

Kakalakad naming dalawa, sa huli sa isang maliit na convinience store na kami tuluyan na tumambay. Pagpasok namin sa loob agad na akong humiwalay sa kanya para pumunta sa liquor section para bumili ng San Mig. Sa tingin ko umiinom din naman si Gaviniel non kaya dinamihan ko na. 

"Ang dami naman niyan?" silip niya kaagad sa plastic bag matapos ko iyong mailapag sa ibabaw ng mesa. Nagulat pa nga siya ng abutan ko siya ng isang canned beer tinignan niya pa iyon saglit pero agad rin naman niya na kinuha iyon at ininom.

bumuntong hininga lang ako at pagkatapos ay mabilis na naupo sa tabi niya bago ko ilabas ang phone ko para mag chat at basahin ang mga messages na naipon. Pero sa lahat ng iyon tanging ang gc lang namin nila Yvette ang binuksan at binasa ko. Masyado din kasi akong abala kanina kaya hindi ko na nakuha pang mabasa.

Aiofe: Good evening guyshuuu! I just wanted to asked if all of you had a copy of the earlier topic? thanks in advance!

Gianna: jusmiyo! seryoso ka jan Aile? aral na aral ka naman yata masyado?


Yvette: hello? syempre may pangarap yung tao bruha ka!

Chandria: me, I already have it. I'll send it to you nalang.

Bea: Chands, pwede pasend rin ako? masyado kasi akong abala kaya hindi na ako makapagsulat pa ng iba pang notes.

Chandria: okie! no problem! I'll send it here nalang so that all of you can have it.

Gianna: isa kang anghel na bumaba sa langit Chandria! maraming salamat! wag kang mag alala may isa kang mahigpit na yakap na matatanggap sakin.

Yvette: ay nako palaging palaasa... tsk! tsk!

Gianna: hoy Yvette napaka sama naman ng lumalabas sa bunganga mo. Masipag naman ako mag aral.

Yvette: mag aral ba talaga?

Tumawa ako ng mahina matapos mabasa ang pagtatalo nila Yvette kaya napasulyap sakin si Gav. Nginitian ko lang siya at pagkatapos ay pinakita sa kanya ang usapan ng mga kaibigan ko.

Chandria: Samantha nyo, seener.

Aiofe: syempre may kasamang pogi.

Gianna: ay we? saan? Tih? baka naman...

The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)Where stories live. Discover now