Chapter Forty-one

Magsimula sa umpisa
                                    

"Okay kalang heart ko?" Bulong ko, di nya ako pinansin sa halip nagpa tuloy ang staring contest nila ni Jane. Nag ikot ako ng mata sa pagiging childish nila.

Mukhang lahat ng bisita na intrigued sa mga mangyayari kaya nabuo ang crowd sa harapan namin. Nagkaroon nalang ngayon ng mellow na tugtog at tumigil narin ang mga sumasayaw sa dance floor.

"Okay mag simula tayo sa pinaka madaling tanong. Ano ang full name ni Trixie?" Na bigla rin ako ng ngayon ko lang mapansin yung buzzer na hawak nila Natasha at Jane. Nauna ang bride to be ko sa pag buzz.

"Trixie Rivera Fernandez" Tumango si señorita.

"One point for the fiancee. Next question, anong favorite color ni Trixie?" Nag hilot ako ng noo habang niririnig ang mga sunod sunod na tanong at mga kasagutan ng dalawa sa magkabilang gilid ko.

Tumagal ito ng halos sampung minuto ng mag simulang maging mainit ang mga tanong. Ngayon napapa isip at napapa preno na ang dalawa at talagang pinag iisipang mabuti ang mga susunod na sasabihin.

"Seven points for the best friend. Next question,for the next years ano ang future plans ni Trixie?" Si Jane ang unang pumindot ng buzzer, napa tingin ako sa kanya. Hindi mahirap para sa kanyang sagutin ito.

"Curious lang ako, Natasha ano nga sa palagay mo ang future plans nya?" May pang hahamon sa boses ng bestfriend ko na tinapatan ni Natasha.

"Of course maging successful sa trabaho nya. Maging mabuting anak at asawa, probably makapag ipon ng enough para sa mga gusto nyang bilhin" Hindi naman mali si Natasha dahil iyon din ang mga sinabi ko sa kanya.

"Nag re-revolve ang future plans nya sayo. She told me a million times that all she'd ever cared about is for you to forgive her. Kasi paano nya magagawa ang mga plano nya kung wala ka? Nakikita nya ang sarili nyang ikasal sayo at sayo lang. Magkaroon ng anak na ikaw ang asawa, tumanda na ikaw ang kasama." Pag baling kay Natasha nag tutubig na ang mga mata nya.

"I guess points yon para kay Chef." Singit ni señorita, sa audience namin rinig ko rin ang ilang beses na singhot till sa may marinig kaming umiiyak na at pag lingon sa mga magulang ko si mama ang nag co-cause ng ingay. "Next to lighten the mood. Ano ang guilty pleasure nya?"

"I'm sure na ang guilty pleasure nya ay pag selosin ako" Dina nakaka gulat na sasabihin nya yon.

"Hindi umiikot sayo ang mundo Natasha" Bumuntong hininga ang bestfriend ko. Kinakabahan na akong lahat ng sikreto ko ngayon ma bunyag ng dahil sa kanya.

"I can definitely answer this one" Matinis na singit ni señorita Jade sa tabi.

"Kahit sinong kakilala nya masasagot yan" Sabi naman ngayon ni señorita Rose na namumula narin.

"Psh mali bako?" Nag init ang pisngi ko sa hiya dahil as much as possible ayokong malaman ito ni Natasha.

"Ang guilty pleasure nya ay ang i-stalk ka online" Napa hilamos ako sa tinuran ni Jane.

"Oh?" Mag aapoy na ako sa pwesto ko at mas gugustuhin ko pang tamaan nalang ng kidlat ngayon.

"Pwede bang itigil na natin to? Please lang?" May pag mamaka-awa na sa boses ko ng tingnan si señorita.

"Heart wag kang KJ. This is so exciting,kaya bakit natin ititigil?" Naka ngising sabi naman ni Natasha.

"Because of my love for  Trixie,okay stop na natin to. Boring lang naman kung gaano ka useless si Trixie para sa payat na to. Tita Cess! May kumuha na ng korona mo" Nagka tawanan ang lahat ng dumilim ang mukha ni señorita Princess.

"I think you should run" Best advice ni señorita Rose sa pinsan na namutla habang papalapit sa pwesto namin ngayon ang tiyahin nya.

"I'm sorry!" Nag squeak pa ang boses nito ng tumakbo na paalis. Ang lakas ng loob na mang inis wala naman palang backbone pagdating sa tita nilang maldita.

Devilishly Gorgeous (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon