Finding Ex Chapter 1: First Dream

28 1 0
                                        

Chapter 1: First Dream

"You may kiss the bride" – ika ng pari kina Ed at sa kanyang bride.

Nang papaharap na siya sa kanyang bride para ito ay biglang may nagring na cellphone.

Kinapa-kapa ni Ed ang kanyang bulsa upang icheck kung sa kanyang cellphone ba yung nagriring.

Wala siya makapa at ang sumunod niyang ginawa ay tinanong niya ang kanyang bride kung sa kanya ba yun at sumagot naman ito na wala siyang dalang cellphone.

"Father may tumatawag po yata sa inyo?" – baling ni Ed sa pari.

Chineck naman ni Father ung kanyang bulsa at nakumpirma niya na hindi din ito sa kanya?

Tumingin silang tatlo sa mga taong nakaupo subalit wala din umamin sa kanila.

"Kung kanino man po iyong tawag na iyon pakisagot at pakisabi na kasal na po kami at di na umabot yung pagtutol niya!" – sigaw ni Ed.

"Father, pwede na po baing ituloy yung paghalik ko sa asawa ko?" Dagdag ni Ed.

Subalit patuloy pa din nagriring yung cellphone. Nainis na si Ed dahil nga kiss na lang ang kulang sa seremoniya ng kasal nila.

Biglang nahulog na si Ed sa kanyang higaan dahil sa makailang ulit itong umikot ikot sa kanyang asar sa pagring ng cellphone. Dun niya napagtanto na sa kanyang cellphone yung nagriring at panaginip lang pala yung kasal na iyon.

Siguro kaya siya nanaginip na ikakasal na siya ay isang buwan na lang din naman ay ikakasal na din siya sa kanyang kasintahan na si Tin.

Dalian niyang kinapa ang kanyang cellphone at nakita niya na si Ben pala ang tumatawag sa kanya. Sinagot niya ito ng labag sa kanyang kalooban pero wala na din siyang nagawa.

Si Ben ang kanyang kababata at matalik na kaibigan simula pa lamang ng mga bata sila dahil magkaibigan din ang kanilang mga nanay.

Ben

" Pare good morning! Pasensiya na pare ikaw na lang ang malalapitan ko emergency lang. tumirik ang kotse ko. Mukhang baterya pare!"

Ed

"Siraulo ka talaga pare oh! Ang aga aga mo naman mambuwisit! Ang ganda ganda na ng panaginip ko eh!"

Dahan Dahan minulat ni Ed ang kanyang mga mata para silipin kung anong oras na. Pagkita niya sa kanyang cellphone ay 4:30 na ng umaga.

Ed

Pucha naman pare san ka na naman ba lupalop ng gimikan?

Ben

Pare pasensiya na talaga. Di ko naman din ito ginusto at ikaw na lang talaga huling baraha ko eh. Sige na pare ako bahala sayo.

Ang Pamilya ni Ben ang tumulong sa kanya makapagtapos ng kanyang pagaaral dahil lumaki sa hirap si Ed.

Upang mabayaran ni Ed ang utang na loob niya sa pamilya ni Ben ay tinutulungan niya ito sa mga projects at assignments nito mula pa noong bata pa sila. Di mapagkakaila na bata pa lang ay may angking galing na si Ed at masasabing matalino siya dahil lagi siyang nasa top ng kanyang klase. Kaya niya sanang maging valedictorian subalit may mga pagkakataong di siya makapagsubmit ng mga projects dahil nga kulang sa pangtustos ang kanyang pamilya para suportahan ang kanyang pagaaral.

Di na naman siya makatanggi sa lahat na hingin na tulong ni Ben dahil malalim na din ang utang na loob niya sa pamilya ni Ben at dahil dito ay nakasanayan na ni Ben na laging humingi ng tulong kay Ed lalo na sa mga gipit moments nito. Si Ben ay spoiled mula sa kanyang mga magulang at lahat ng luho ay naibibigay dito. Mabait naman si Ben at sa mga nakukuha niyang grasya mula sa kanyang mga magulang ay lagi niyang shineshare ito kay Ed kaya di na din makatanggi si Ed paghumihingi ng tulong si Ben sa kanya dahil hindi din siya nito tinatanggihan pag siya naman ang humihingi kay Ben.

Finding ExWo Geschichten leben. Entdecke jetzt