"And now... I will announce the winner..." Mrs. Alexandra said. Huminga ako nang malalim at nginitian ang dalawang contestants.

"The winner is... Demirah Srimenez!"

Nanlaki ang mga mata niya at nakita kong namuo ang mga luha niya. Nakangiti akong lumapit sa kanya at inilagay ang sash, ang crown at ang iba pang prizes. "Congratulations. Ms. Srimenez," nakangiting sambit ko.

Nang natapos ang contest ay nagyaya silang pumunta sa Siargao bukas kasama ang mga judges at ang lahat ng contestans na sumali. Wala naman akong rason para tumanggi at isa pa, mukhang masaya dahil marami akong kasama.

Hindi muna ako pumasok sa kotse. Nakasandal lang ako sa gilid habang nakatingin sa mga bituin. I'm stuck between my mom and my sister. Hindi ko alam kung sino ang susundin ko sa kanila.

I want to help my sister because I think that'll be the way for me to get closer to her but my mind also said that I should obey my mother. Kapag tinulungan ko si Hale, magagalit si Mommy. Kapag naman sinunod ko si Mommy, si Hale naman ang magagalit sa akin.

Lahat ng gagawin natin ay may consequences, patibayan na lang ng loob kung paano mo haharapin ang mga ito.

Paano ko nga ba haharapin ang mga consequences ng mga magiging desisyon ko? Sino ang susundin ko sa kanilang dalawa?

"Ms. Levisay."

Napatingin ako sa harap ko at nakita kong nakasandal na rin si Mr. Damian sa kotse niya. Nakapasok ang isa niyang kamay sa bulsa ng itim niyang jeans.

"Hmmm... why?"

"Is she really your sister?" tanong niya. Si Hale ba ang tinutukoy niya?

"Si Hale? Yes." Tumango ako.

"Mas maganda ka kesa sa kanya."

Napaayos ako ng tayo dahil sa sinabi niya. Naglabas siya ng vape at maya-maya lang ay mayroon na akong nakitang makapal na usok.

"We're both pretty because we're sisters. Walang mas angat... pantay kami," I said and he chuckled.

"She's no match for you. You're kind and she's a brat," he said and that made my brow wiggle.

"Are you insulting her, Mr. Damian?" I calmly asked. I don't want my anger eat me. I need to be calm.

"I'm not insulting her, I'm telling the fact about her. Want to add some facts about your sister? She's a bitc—"

"Instead of insulting her, just insult me," mabilis kong sambit. Hale's precious to me. Ayokong iniinsulto siya ng ibang tao.

Nagseryoso ang mukha niya at binuksan ang kotse niya. Hinagis niya sa loob ang vape at sumakay na sa loob. Padabog niyang sinarado ang pinto kaya napahinga ako nang maluwag.

I thought he would leave me alone but he opened the window. "You're too kind to be insulted, Ms. Levisay. Sometimes try to act like a bitch. I wanna see it. Alam kong may tinatago kang kasamaan." Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay pinaharurot na niya ang kotse niya.

Natulala na lang ako. Am I really kind? At... may tinatago nga ba akong kasamaan?

I heaved a heavy sigh and went in my car. Pagdating ko sa bahay ay nakita kong naghihintay si Hale sa sala at nakaupo sa sofa. She was wearing a night robe. Padabog niyang binitawan ang magazine at tumayo.

I was shocked when she suddenly slapped me. Napahawak ako sa pisngi kong sinampal niya. "Are you playing with me, Yen?! Sinabi mong magkikita kami ngayon ni Frost!"

I cleared my throat. I cancelled our dinner because I don't wanna help her. Mas inisip kong sundin si Mommy. "Hale, let me exp—" Tinulak niya ako.

"Just tell me if you like him, you bitch!" she yelled.

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Where stories live. Discover now