"Syempre oo tsk" Sagot ko na inirapan ko lang siya

"Haha e di wag kang matakot" Kinuha lang ni Elisse yung maliit na isda at nilagay niya sa bingwit marunong naman akong mamingwit and yes sobrang enjoy nga yon.Tumingin sa akin si Elisse

"Mamingwit ka rin lagay ka ng pain"Binigay niya sa akin yung isang bingwit saka ko naman yun nilagyan ng pain kaso nung paghawak ko ay yung tinik ata nahawakan ko

"Ouch!"Pagdaing ko

"Oh dahan dahan naman kasi"tiningnan ni Elisse yung sugat ko dumugo yun kaya nabahala naman ako

"Mawawala din yan"saka niya ito hinipan

"Ayie hoy kayong dalawa hindi tayo makakakuha ng madami kapag mag sweet moments kayo diyan"Sigaw sa amin ni Tope nakita ko naman siyang namimingwit na kaya nilagyan ko ng pain yung bingwit ko at saka ko iyon itinapon sa dagat narinig ko namang sumigaw si Tope

"Tingnan niyo nakakuha na ako!"Masayang sabi ni Tope

"Hala!meron na din sakin!"Masayang sabi naman ni Elisse napakunot naman ako kasi wala pa akong nakuha pero naramdaman ko namang may yumogyug sa bingwit ko kaya tumayo ako ng dahan dahan para magaya sila Elisse at Tope nang makatayo ako ay nag balance ako para hindi mahulog

"Kaya mo naman palang tumayo eh"Pagbanggit sa akin ni Elisse na medyo yumuko para kumuha ulit ng pain pero hindi ko lang siya inintindi at pumukos nalang ako sa bingwit ko minadali kong hinila yung bingwit ko and Yah i catch one

"Hey Elisse i catch one!"Masigla ko namang sabi ko at ngumiti din si Elisse

"Padamihan tayo!"Sigaw ni Tope

"Sige!"Sabi naman ni Elisse tsk syempre talo na ako dito pero ngumiti lang ako baka naman makadami eh

"Sure game!"Pag sang ayon ko at tinapon ulit yung bingwit

Hindi ko na malaman kung ilang oras o minuto kaming nakatayo sa bangka para manghuli ng isda.Nakalabing lima na ng huli si Tope,sa akin naman ay Sampo,si Elisse pito lang ang nakuha tinanong kami ni Tope kung ilan na ang nahuli namin sumisimangot naman si Elisse pero hindi niya alam na nilalagay ko ang tatlo sa kaniya para maging sampo kaya napapatingin siya sakin

"Yay ang galing ni Elisse naunahan na ako!"Sigaw ko na nakatuon lang sa dagat naramdaman ko namang tumingin sa akin si Elisse at ngumingiti kaya napapangiti din ako sa isipan ko.

Nang lumipas pa ang ilang sandali ay medyo lumalakas na ang alon dahil para namang uulan kaya minsan napapaupo ako pero tatayo pa rin

"Mukhang uulan yata mahihirapan na tayong makakuha nito,mas mabuti sigurong umuwi na tayo bago tayo madatnan ng malalakas na alon!"Sigaw sa amin ni Tope

Kaya inayos na namin yung mga bingwit ng maramdaman kung hindi ko mahila ang bingwit ko napansin naman yun ni Elisse

"Anong nangyari?"Tanong niya sa akin na nag aalala naman

"Hindi ko mahila"Sagot ko na hindi man lang siya tiningnan dahil hinihila ko pa din yung bingwit

"Hilahin mo lang Yohanne okay lang kahit maputol yung lubid ang mahalaga maalis mo"Sabi naman sa akin ni Tope kaya hinila ko naman yun

"Dahan dahan lang Yohanne gusto mo tulungan na kita?"Pagpresinta ni Elisse sa akin pero umiling lang ako

"Nah don't it's okay"Yan lang sinabi ko kaya lumayo sa akin  si Elisse

"Ano hindi pa rin?"Tanong ulit ni Tope

"Just shout up okay" Sabi ko lang, ang ingay ingay niya hindi ako makapokus,medyo natawa naman si Tope

Kaya nagpokos ako sa paghila sa lubid nang maramdaman kung medyo wala ng mabigat ay hinila ko ito ng buong lakas ang worst lang sumabay ang malakas na alon at na out of balance ako at naramdaman ko na lang na sa tubig dagat ang binagsakan ko narinig ko din ang sigaw ni Elisse

"Yohanne!"Sigaw ni Elisse

Nakita ko naman mula sa tubig ang mukha niyang nakadungaw sa akin magaling akong lumangoy hindi rin ako pumipikit nasanay na ako sa ganito,umahon ako ng makitang tatalon din si Elisse kaya nagulat naman siya

"Yohanne?" Pagsigaw sa akin ni Elisse

"Ang ingay mo dinig pa kita mula sa ilalim" Pagbiro ko sa kanya kahit totoo naman tapos sinuntok niya ako braso

"Aray naman!"Pagdaing ko

"Haha halika Yohanne tulungan na kita"Pagpresinta naman ni Tope kaya lumapit siya sa akin at saka pilit na makasakay sa bangka pero mabigat ang suot ko kaya nahirapan sila

"Dito na lang siguro ako habambuhay mauna na kayo"Pagbiro ko na ikinatawa naman ni Tope masiyahan talagang taong to

"Baliw ka na ba?"Galit naman na tanong sa akin ni Elisse na halatang hindi nagustuhan ang biro ko

"Joke lang ito naman"Pagsagot ko sa kanya pero hindi lang niya yun inintindi

"Magbalance kayo ako ng aahon sa sarili ko" Sabi ko at ginawa naman ng dalawa kaya nakasakay naman ako sa bangka na pagod na pagod ang bigat lang kasi ng suot ko

"Ayun uwi na tayo!"Sigaw ulit sa amin ni Tope at nagsimula na siyang magsagwan pero si Elisse nakatingin lang sa katawan kong basang basa na

"Bakit?"Takang tanong ko sa kanya pero umiwas lang siya at bumalik sa pwesto at nagsimulang magsagwan

Ano bang iniisip ng taong to?

My annoying Stepsister (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz